C31: Deceitful Truth

179K 3.9K 1.8K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sapagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wagspoiler. No papansin allowed. Char! Haha.    

---

Denise's POV

Nagpaalam na ko kay Ash at tsaka bumaba sa kotse niya. Medyo umaga na rin kaya nag-aya na akong umuwi. Akala ko magiging malungkot ako sa araw na to pero binago ni Ash ang lahat. Pinasaya niya ako. Pinangiti at pinaramdam sa akin na importante pa rin ako.

Ngumiti muli ako bago ko buksan ang gate.

"Good Morning, Denise."

Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko muli ang tinig niya. Ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. Ang malamig niya boses.

Luna ... nasa likod ko si Luna.

"Iba ka talaga eh no? Pagkatapos mong gawin ang mga bagay na yon, nagawa mo pang lumandi."

Lumingon ako at nakita ko muli ang maganda ngunit walang ekspresyon niyang mukha.

"Luna," ang tangi kong nasabi.

Matagal ko na rin siyang hindi nakikita ngunit kita ko pa rin na galit pa rin siya sa akin. Sa bawat salitang binibitawan niya ay para bang may isang kutsilyong sumasaksak sa akin.

"Nagsisisi ako na naging kaibigan kita. Iniwan mo ko sa ere. Pinabayaan mo akong pagdusahan ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Alam mo ba ang naranasan ko dahil sa ginawa mo?! Araw-araw akong nasa impyerno, Denise! Hindi mo alam kung gaano kahirap."

Napayuko na lang ako nang narinig ko ang pag-iyak niya.

"Best friend kita di'ba? Bakit mo ko iniwan? Bakit mo pinabayaan? Bakit mo ako trinaydor?!"

"Sorry. Sorry, Luna." Hindi ko napigilan ang pagluha. "Natakot ako. Takot na takot ako."

"Hinding-hindi kita mapapatawad."

Wala na kong nagawa kundi ang panourin lang siyang maglakad palayo habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya. Kahit kailan wala akong naidulot na maganda sa mga taong nasa paligid ko. Wala akong ibang ginawa kundi saktan lang sila.

Napakasama kong tao.

Huminga ako nang malalim at binuksan na ang gate. Agad akong umakyat papunta sa kwarto at kinuha ang kulay pulang box sa ilalim ng kama. Pinagmasdan ko muli ang mga litrato naming ni Luna. Ang dating masaya niyang mukha ... nasaan na ngayon? Ibang-iba talaga sila Luna ngayon. Biglang kumirot ang puso ko.

Naalala ko ang lahat na para bang kahapon lamang. Si Luna ... ang best friend ko.

---

"Denise!" Tawag ni Luna sa akin sa tabi ng magandang falls. Nakayayaan lang kasi birthday ni Lisa, ang class president. Sumenyas siya upang lumapit ako at dahil sa naiinis nga ako sa isa naming kaklase ay lumapit na ko kay Luna.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon