Shoot 12 "Katana's Identity"

62.1K 3.3K 448
                                    

"Eto oh," itinunggo ko sa dibdib Jace ang plastik na naglalaman nung sweatshirt na napanalunan niya sa dare namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eto oh," itinunggo ko sa dibdib Jace ang plastik na naglalaman nung sweatshirt na napanalunan niya sa dare namin. "Mahal ang bili ko diyan, 1,200!" Pagsisinungaling ko, 300 ko lang nabili 'yan.

He opened the plastik at tiningnan ang hitsura nung sweatshirt. "Cool! Ang bait talaga nitong bestfriend ko!" Iniipit niya ang ulo ko sa kanyang kilikili.

"Alam mo kadiri ka! Bitawan mo nga ako, ang baho ng kilikili mo e!" Pilit kong iniaalis ang aking ulo at nung nakawala ako ay masama ko siyang tinitigan na tinawanan lang ni Jace. Of course he's my bestfriend, gustong-gusto niyang nakikita na naaasar ako. Iyon ang source of happiness niya.

"Ano, sabay ba tayong uuwi mamaya?" Tanong niya sa akin, vacant namin ngayon dahil saglit lang na nagturo ang professor namin sa unang subject.

"Hindi pwede, may practice ako," I informed him, totoo namang may practice kami. Ayoko ngang uma-attend sa practice na iyon dahil nakikita ko lang ang pagmumukha nung Raydin na iyon. Ang pangit niya, grabe!

Hindi ko nga alam kay Ericka kung bakit parati niyang sinasabihan na cool si Raydin eh hindi ko naman makita kung saan siya banda cool? The way he speaks? The way he act? Mukha lang siyang ambitious gangster.

"E'di hihintayin kita!" He proudly said.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ako mahilig magsinungaling pero hindi nga kami pwede magsabay ngayon umuwi dahil makikipag-meet pa ako kay Katana mamayang hapon. Na-excite na naman ako ngayong naalala ko.

"Hindi pwede, late kami makakauwi ngayon. Mauna ka na, okay?" Napansin ko ang paglungkot ng kanyang mukha. "Bawi ako sa'yo bukas. Hindi ako a-attend sa practice."

Muling umaliwalas ang mukha ni Jace. "Talaga ba? Sabi mo 'yan, ha! Walang bawian!" Mabuti na lang talaga at isang uto-uto itong bestfriend ko.

The whole day, iniisip ko ang hitsura ni Katana. Kinakabahan ako na nae-excite. This is my first time to meet my online friend in real world. Hindi naman talaga ako madalas makipag-meet up, sadyang napalapit lang ang loob ko kanila Katana and Lucky. If I will be given a chance ay gusyo ko mga ring ma-meet si Lucky e.

Nasa library ako ngayon and a small piece of paper ang tumama sa mukha ko. Kumunot ang aking noo at pinagmasdan ang taong gumawa nang pagbato. "Ano na naman bang problema mo?!" Mahina kong sabi pero punong-puno ito ng inis.

"Huwag ka ngang tumutulala, ang pangit mo." Sabi no Raydin, pumilas din ako ng maliit na papel sa aking notebook at ibinato sa kanya.

"Ako nga sobrang napapangitan sa kahit anong ekspresyon ng mukha mo... Nagreklamo ba ako? Ewan ko sa'yo, ang pangit mo." Kinuha ko ang gamit konh nakakalat sa desk at umupo sa tabi ni Ericka.

"Ano, nag-away na naman kayo?" Tanong niya.

"Anong bago? Parati naman kaming nag-aaway ng mokong na iyan.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon