Chapter 24

10.5K 297 13
                                    

Chapter 24- IHY and 143

Gia/Trisha's POV

Pagdating namin sa mall lumabas agad ako, Hinintay ko naman sila sa labas. Paglabas nila nagsalita agad kami ni leo

"All boys Follow me/All Girls Follow me" sabay na sabi namin syempre akin yung sa Girls. Kakastress kaya sa boys duhh

Nagsipuntahan naman sa akin ang mga girls nagsimula naman kaming maglakad dito sa parking lot ng may narinig kaming bulungan

"Waa! Ang gaganda nila besty!"

"How to be you po?"

"Mag Myra E!"

"Retokada ewwwzzz"

"Yah right bessy"

"Ang cool nilang tingnan lalo na at may kulay ang mga buhok nila!"

"Pero ang pogi nung lalaking nasa una oh!"

"Talbog ang ganda nila doon sa babaeng blue ang buhok oh!"

Arghh! Ang ingay! Pinatahimik ko sila gamit yung babbling spell

Nung nakapasok na kami sa loob ng mall tinanggal ko na yung babbling spell ko. Bawal kasi kaming gumamit ng spark sa Shinu world

"Parang tumahimik kanina?" Tanong ni Ivy habang nakakunot ang noo

"Baka guni-guni lang natin" sagot ni Summer nagsitanguan nalang sila bilang pagsang ayon

"Ahhh anong una nating bibilhin?" Tanong ni Jaymie habang nililibot ang kanyang paningin. Lumapit naman ako sa grupo nina Leo

"Anong una?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan nya ako pero iniwas din nya agad

"Damit" tipid nyang sagot. Tumango na lang ako, alangan namang tumango ako sabay sipa ng mukha nya dibuh?

So weird "-"

"Damit daw" cold kong sagot sa kanila.
Dumeretso naman kami sa bilihan ng Uniform ng school ko dati. Ang pangalan nun ay 143 High school

"Anong pangalan ng School?" Tanong ni Amber

"143 high school" sagot ko sa kanya

"143? I love you?" Tanong ni Jaymie. Tumango na lang ako..Millenials!

Nung makita ko na ang Store nagmadali akong pumasok roon, Pwede pa naman nga palang mag Enrol ulit July pa lang naman.

Kumuha ako ng 6 na blouse at Palda...Pagkatapos kumuha ako ng sapatos..Boots ito na kulay Brown tapos ang design nito ay Rose na malaki..Parang pang Cowgirl

Ang Uniform kasi doon ay pare-pareho pero ang kulay ikaw na ang bahala kaya itinuwang ko ang kulay ng Uniform sa ka Spark naming lahat

"Oh!" binigay ko sa kanila ang sari-sarili nilang Uniform at boots

"Waaa! Kulay pink! Thank you!" Pasasalamat ni Amber at niyakap ang uniform nya. Dumeretso naman agad kami sa Counter

"Its 12, 740 ma'am..Do you have a Card?" Sabi nung babae sa Counter habang yung lalaki na naglalagay ng Uniform sa Paper bag namin ay Todo Pacute sa akin Tss... Mukha namang unggoy

"No" tipid kong sagot at nagbayad na ng Cash

Kinuha ko naman yung mga paper bag namin sa lalaki at hinila silang lahat (lakas ko noh?) sa grupo nina Leo na nasa NBS na. Nung pumasok kasi, Tineleport nila yung Mga Uniforms nila sa kanila ayun! Nakalibre pa ang amp. Ayun umalis na.

Sparkler Academy: School Of Magic UsersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon