XVII. Mga Nasirang Pangarap

832 40 17
                                    

Maagang umalis si Maymay papuntang Flora Amor pagdating niya doon ay naabutan niya si Mccoy na nag-aayos ng files, agad naman siya nitong nilapitan.

"Kumusta ka na, May? Okay ka naman ba dun sa condo niyo ni Kristine?"si Mccoy

"Okay naman po ako dun, 'wag na po kayo mag-alala sa'kin. Matagal na rin naman po namin pinag-ipunan ni Kristine 'yung condo na 'yun, para kung sakaling dumating 'yung araw na maisipan kong magsarili e may pupuntahan ako."si Maymay

"Magsarili e diba kasama mo dun si Kristine?"si Mccoy

"Dapat po kasama din dun sila Kisses at Vivoree, pero dahil ikakasal na si Kisses at hindi pinayagan si Vivoree, kaming dalawa na lang ni Kristine."si Maymay

"May, galit ka ba sa'min ng ate Elisse mo?"si Mccoy

"Alam ko naman po kuya Mccoy na sinubukan niyo kong ipagtanggol e, pero sadyang mas pahahalagahan talaga ang reputasyon at pangalan ng pamilya kesa sa emosyon. Pinalaki kaming ganon, pero hindi ko maiwasang masaktan sa ganong klaseng pamamalakad."si Maymay

"Alam kong nasasaktan at nahihirapan ka sa nangyayari ngayon, pero wala na tayong magagawa May, nandiyan na e."si Mccoy

"Ni-minsan hindi ko nagawang ipaglaban 'yung nararamdaman ko para kay Edward, ni-minsan hindi ko man lang siya naipagdamot kahit na may karapatan naman ako."si Maymay

"Gusto mo na bang bawiin 'yung naging desisyon mo?"si Mccoy

"Ikaw na rin nagsabi kuya Mccoy na kahit bawiin ko pa 'yung sinabi ko, wala na tayong magagawa dahil nandiyan na 'yan. Kahit ilang beses kong bawiin 'yun wala na ring mangyayari dahil asang asa na si Nikka na ikakasal na sila ni Edward, ayoko naman maging hadlang sa kaligayahan nilang dalawa."si Maymay

"Anong kaligayahan nilang dalawa? Alam naman natin pareho na kaligayahan lang ni Nikka 'yun."si Mccoy

"Ikaw talaga kuya Mccoy. Buti ka pa napatawa mo ko kahit na problemado ako sa lahat ng bagay."si Maymay

"E ikaw lang kasi ayaw mo pang bumalik na lang sa bahay para maging masaya ka na ulit."si Mccoy

"Mas lalong mamatay dun 'yung puso ko. Tsaka mas mabuti na rin siguro na magsarili na ako, ito na 'yung chance ko na maipakita sa lahat na kaya ko na on my own."si Maymay

"O sige, hahayaan kita sa gusto mong 'yan, pero once na may kailangan ka, don't hesitate to call us, okay?"si Mccoy

"Sige po kuya Mccoy."si Maymay

"Mahal *kalalabas lang ng board room* Hi May."si Elisse

"*tumango* Sige po, mauna na po ako sa office ko, may mga kailangan pa po kasi akong ayusin at pirmahan e para sa bridal fair."si Maymay at pumasok sa loob

"Hayaan mo na muna si Maymay, mahal, dadating din 'yung araw na magiging okay na kayo. 'Wag na muna nating pilitin."si Mccoy

"Hindi ko alam kung hanggang kailan iiwas sa'kin si Maymay, alam kong galit siya sa'kin dahil sa naging desisyon ko at ng magulang namin, pero wala na akong magagawa para baguhin 'yun."si Elisse

"Hayaan na natin si Maymay muna, maraming pangarap niya ang nasira dahil sa nangyari."si Mccoy

Si Maymay naman busy na sa pag-aayos ng mga files nang makatanggap siya ng tawag mula kay Vivoree..

"Uy Vivoree, napatawag ka ata. May problema ba sa coffee shop niyo?"si Maymay

"Wala naman ate Maymay. Actually kaya ako napatawag to ask you kung free ka ba this coming long weekend?"si Vivoree

If We Fall in Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon