Shoot 14 "Start of mission"

64.5K 3.9K 753
                                    

"Mayabang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mayabang." sabi ko habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan dito sa cafe.

"Arogante." Sabi naman ni Sophia.

"Feeling boss." Muli kong sabi.

"Masungit."

Naku! Parehas na parehas kami nang nararamdaman ni Sophia, talaga namang nanggigil kami sa ugali nung Darkshadow na iyon. Kung hindi lang dahil kay Thatjerk ay hindi talaga ako sasama sa misyon na iyon e.

He's ordering us around na parang siya talaga ang boss sa Blue Waves University. Okay, given na yung siya ang pinakamalakas na estudyante pero sana naman kaunting ayos ng attitude.

Eventhough he's bossy, aaminin ko, ang galing niyang magplano. In-explain niya sa amin kahapon ang mga dapat gawin namin kapag masa Isolated town na kami.

Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon pero ang sabi ni Thatjerk ay sobrang creepy raw ng lugar na iyon.

We both sip on the coffee that we are drinking at napabuga ng hangin. "It's a three day mission, kakayanin kaya natin?" Tanong sa akin ni Sophia. We usually hangout together since parehas kami ng school at naging kaibigan ko na siya mapa-online or real world.

"Dapat lang na kayanin natin para may maisampal tayo doon sa mayabang na Darkshadow na iyon." Inis kong sabi at napailing-iling si Sophia sa akin.

"Maiba tayo, kumusta na nga pala yung practice mo for the math competition? 'Diba malapit na rin 'yon?" Tanong niya sa akin at kumuha nang slice ng cheesecake at isinubo ito.

Isa pa 'yon! Wala naman akong problema sa mga math equations dahil karamihan ay nasasagot ko naman. Pero naiimbyerna talaga ako sa kasamahan kong si Raydin, lahat na lang pinagyayabang! Kapag natataasan niya ako sa drill kung makapagmayabang ay akala niya ay natalo na niya ako sa lahat ng aspeto. Grrr! Naalala ko na naman, nakakagigil."

"Yap. Okay naman ako sa praktis, hindi lang okay sa isang kasama." Paliwanag ko kay Sophia.

Ikinuwento ko kay Sophia ang lahat nang kabwisitan na ginawa sa akin ni Raydinnat tawa lang nang tawa itong kaibigan ko. "Sige, tawanan mo lang ako. Inaapi na nga ako ng mokong na iyon."

Pinahid niya ang luha sa gilid ng kanyang mata. "Haha! Sorry, nakakatawa lang talaga ang encounter ninyo nung Raydin. I wanted to meet him," Sabi niya.

"Naku 'wag na, diablo ang lalaki na iyon. Mamalasin ka ng sampung taon kapag nakita mo yung pagmumukha nung hinayupak na 'yon." Mas lalong lumakas ang tawa ni Sophia at pinagtitinginan na kami nung ibang tao rito sa cafe.

"Baka mamaya, kayo pa magkatuluyan niyan."

"Eeew, kumatok ka nga sa lamesa. Baka mamaya magkatotoo 'yang sinabi mo, ang malas ko lang 'pag nagkataon." Sabi ko.

After Sophia and I talked, umuwi na kami nung bandang alas-siete nung gabi dahil mamayang alas-otso ay magkikita na kami nina Thatjerk sa may school gate para simulan ang paglalakbay tungo sa Isolated town.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon