Chapter 5

137K 4.4K 215
                                    


Chapter 5: Jeena Nathalie


Jeena's POV


She's been in this clinic the whole day at madaming nagaabang sa kanya na lumabas sa silid na ito. Para din siyang anghel na natutulog. Her face shouts for innocence. Pero alam ko na kahit si Hera, may nararamdamang kakaiba sa kanya. Speaking of Hera, kakaalis lang niya kasama ang doctor ng paaralang ito. Empire High is an exclusive school. Its name states Empire which it really do have inside. Hindi basta eswelahan ito kundi isang imperyo. And right here, I know who will rule it.

"Empress Fuschia M. Morrigan."


"Who the hell are you?"


Ang bilis ng pangyayari. In a swift move, nakasalubong ko agad ang orihinal na kulay ng kanyang mata. Agad ding nawala sa katawan niya ang dalawang karayom na nakatusok sa kanya. At ngayon, hindi ko na alam kung paano pa ako makakapiglas sa hawak niya sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang pagdiin niya sa akin sa pader. Ni hindi ko na rin mailapat pa ang aking dalawang paa sa mismong sahig. How can she even do this despite of her condition?


"Don't let me ask you twice."


Kitang kita ko ang talim ng mata niya. Pero gustuhin ko mang magsalita, nawawalan na ako ng hininga. Nararamdaman ko na din ang sugat ko sa leeg dahil sa kanyang mga kuko. Will she kill me?


"Answer or die."


Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nararamdaman ko na ang paninigas ng katawan ko. Kung sa pagkawala ba ng hangin o sa mga banta niya. Hinahanap ko na rin sa utak ko ang isasagot ko sa kanya nang bigla siyang ngumiti sa akin. It's freaking me out. Ngiting katulad ng ibinigay niya kay Levi, at ang mata niya. Her fuchsia eyes that shouts for her personality.


"Q-queen." Sigaw ko sa utak ko na isasagot ko na sana nang biglang nagbukas ang pinto at sumigaw ang taong nagbukas nito.


"H-hel-p."




Fuschia's POV

"Jeena!"


Hinding hindi ako magdadalawang isip na ituloy ang pagkalas sa kanyang hininga hanggang di ko nakukuha ang sagot sa kanya. Pero base sa mata niya kanina, she's trying to be silent. Bagay na hindi nakakatuwa. Kahit pagsigaw ni Hera, walang magagawa. At lalong hindi nakakatuwa ang ginagawa niyang pagtakbo papunta sa pwesto namin para lang mangielam.


"H-hel-p."


Tears. Agad akong napatingin nang maramdaman ko ang likidong pumatak sa braso ko. She did begged and she's now crying. A scene which is so familiar to me. Agad ko syang nabitawan. She's already pale. Umubo na lang siya ng umubo habang tinutulungan siya ni Hera.

"What the hell happened Fuschia? What are you doing with her?" Hera fired.


"Nothing." Hindi ko na siya pinansin pa at inabot ko na lamang ang hoodie sa tabi ng kamang hinihigaan ko kanina. Sinuot ko ito at nagtaklob at agad nagtungo papalabas. I need air. Pero mukhang minamalas nga naman dahil ang daming estudyante pagkabukas ko pa lang ng pinto. Hindi ko alam kung namukhaan nila ako since iba na ang aking suot at dahil nakahoodie ako. Pero nang nagsimula naman akong maglakad ay binibigyan naman nila ako ng daan. Rinig ko din ang iba't iba nilang komento at hula sa akin pero wala na akong pakielam kung ano man ang tingin na nila sa akin ngayon.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon