Chapter 32

9K 267 2
                                    

Chapter 32- Leveling

Xianne's POV

"Xia!!! Bilisan mong Kumain!! Magsisimula na ang leveling!!!" Sigaw ni Jaycee. Jusme!...Papunta pa nga lang yung iba doon magsisimula na agad?

Tinapos ko na ang pagkain ko at nilapitan sya, Nagteleport naman kami sa Enchantra Leveland. Ito ay isang isla at dito nagleleveling kaya leveland

Pagdating namin agad kaming umupo sa may bandang gitna..Ang Royalties ang nauna saamin nasa harapan sila nagkukulitan

Pagupo ko hinila ni Jaycee ang upuan ko kaya sa sahig ako napaupo...

"Bwisit Ka Jay--!!!" naputol ang pagsigaw ko ng batukan ako ni Jaycee

"Shhh! Wag kang maingay! Batukan kita jan " banta pa nya

"Anong batukan?! Nabatukan mo na nga babatukan mo pa lang? Tanga lang?" Inis na sabi ko

"Hehe ^__^V peace!" Sabi nya umirap na lang ako at umupo sa isang upuan kaso nakita kong hinila nanaman ni Jaycee ang upuan kaya napaupo nanaman ako sa sahig

"Aray ko! Punyeta ka Jay--" naputol ang sasabihin ko ng may Pesteng sumingit

"Ahhh mga ate...Sino po kayo?" Tanong ni Eze...Lahat sila gulat na nakatingin sa amin ni Jaycee

"Jaycee bebelabs mo!" Turo ko. Pinaghahampas naman nya ako

"Hindi noh!! *Ehem* Ahh ako si Jay--" naputol ang sasabihin ni Jaycee ng Nagsigawan sila

"Jaymie?! Gia?!!" Sabay na sigaw nila na parang tuwang tuwa pa. Natanaw ko sina Leo na paparating. Ayan na ang Tatlong bakla

Nagkatinginan kami ni Jaycee at tumawa. Perks of being Actress

"Hahha! Kilala nyo pala si Ate hindi nyo sinabi sa akin. Ako nga pala si Xianne Zein Mendoza-Thompson, Mag se-17 years old sa Linggo...My spark is Ice and my ability is Speed and Telepathy" sabi ko at nagbow sa kanila

"Hihi. Ako naman po si Jaycee Palacio, 17 years old. My Spark is Fire and my ability is Teleport" sabi ni Jaycee at ngumiti

"Ahhh...Kapatid mo pala si Gia?" Sabi ni Amber at tinitigan ako. Hindi ko sinasadyang mabasa isipan nya

"I can't read her mind like Gia, They're really weird. Soo weeirrrdd!!"

"Ahh hindi Pinsan nya" biglang singit ni Trevor. Huh?? Pinsan??

"Pano mo naman na sabi?? At pano mo naman nalaman aber??" Gulat na tanong ni Amber

"Syempre kasi binibiro lang kita!" Biglang ngiti sa kanya ni Trevor. Nakupo..Waley ang biro nya

"Bwisit ka! Mawala ka na sa Mundong Ibabaw!!" Sigaw ni Amber at pinaghahampas sya

"Pano ba yan, nasa Mundong ilalim tayo! Aww!" Biro muli ni Trevor kaya naging triple ang lakas ng Hampas sa kanya ni Amber

"Argh! Bwisit!!" Sigaw sa kanya ni Amber at walang kamatayang pinaghahampas si Trevor

"Back to the topic, So kapatid ka nga nya??" Tanong ni Ivy at hindi pinansin ang naghahampsan sa likuran nya

"Parang ganun na nga, Magkamukha kami pero...Ang pinagkaiba lang namin ay attitude. She's Weirdly Cold and Im Cutely Childish" sabi ko at ngumiti

"Oh?...Teka? Next week ka pa mag se-17 diba?" Tanong ni Ivy tumango naman ako

"Birthday rin ni Gia next week mag se-17 rin sya...So...Kambal kayo?" Tanong ni Ivy

"Yesh po ate hihia" sabi ko at kinain yung candy ko na nasa bag kanina

Sparkler Academy: School Of Magic UsersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon