BOSS • 14

85.6K 1.3K 13
                                    

Katatapos lamang kausapin si Alisson ng doktor na siyang nag-asikaso sa kanya simula kaninang dalhin siya rito sa hospital ng estrangherong nakatayo lamang sa gilid ng kamang kanyang kinaroroonan habang tahimik na nakamasid sa kanya at hawak ang bag niya.

Naupo siya sa gilid ng kama, sa gawi kung nasaan ito. Tumingin din siya dito saka ngumiti.

"Salamat.." Okay. She doesn't even know his name yet. Great.

For the first time since the accident on the road, the innocent-looking guy smiled at her.

"Weigan Core Algor." Anito kasabay ng paglalahad ng kamay sa kanya pero bago pa man niya iyon maabot ay umalingawngaw sa loob ng emergency room ang isang pamilyar na boses, dahilan para manlaki ang kanyang mga mata.

"Alisson!" Nakita niya ang paghangos ni Liam palapit sa kanya na hinihingal pa mula sa pagtakbo. "Fuck!" Palatak nito ng mapadako ang mga mata sa kanyang braso na mayroong benda.

Nang makalapit ito sa kanya ay agad siyang ikinulong ng binata sa mga bisig nito. She was stunned for a while because of that and because of the fast beating of Liam's heart. Rinig na rinig niya ang mabilis na tibok ng puso nito dahil sa pagkakasubsob ng kanyang mukha sa may tapat ng dibdib nito.

"What happened? Are you okay already? May masakit pa ba sayo? Do you need something else? Does your head hurt? Your body? What, Alisson? Answer me!"

Nakagat niya ang kanyang labi dahil sa sunud-sunod nitong tanong na iyon. She doesn't want to admit but heck, she's overwhelmed and flattered on the fact that Liam can be like this to her.

Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kanya. Na baka nga kung pwedeng dito na lamang malipat ang sugat na kanyang natamo ay ginawa na nito.

"Paano siya makakasagot niyan? Wala kang preno sa pagtatanong. One at a time lang, William."

Sabay silang napalingon kay Weigan sa sinabi nito. Nakahalukipkip na ito habang nakangising nakatingin kay Liam na ngayon ay nakasimangot na.

"Oh, shut up, Wei! Do you want me to wring your neck? You fucking hurt my girl! Pasalamat ka at ito lang ang inabot niya kasi kung mas malala, baka sa hospital ka na rin pulutin."

Napakunot ang noo niya sa dalawang lalaki. "Ma-magkakilala kayo?"

Liam slightly nod his head. "Yeah. He's my dumbass cousin. Mom's side."

So that explains it. Kaya pala pamilyar sa kanya ang apelyido ni Weigan at kaya rin pala ganoon na lamang ang hitsura nito. Good genes run in their blood. Hindi na siya dapat magduda o magtaka.

Weigan chuckled as he went near her. He also lean forward, making their faces at level. Automatic naman niyang nailayo ang kanyang mukha dahil sa gulat. Nahagip pa nga ng kanyang paningin ang biglang pagtiim-bagang ni Liam dahil sa ginawang iyon ng pinsan.

"Don't believe him. Lolokohin ka lang niyan. If you like, pwede namang ako na lang. I won't make you cry. Puro ligaya lang ang mararanasan mo sa piling ko. Saan ka pa?" The guy grin and wink at her at the same time.

"Oh come on! You better shut up now, fuck boy. Umuwi ka na bago ko sabihin kay Tito ang mga kalokohan mo." Ani Liam saka hinigit mula sa likod si Weigan.

Tatawa-tawa naman nitong hinarap ang kanyang boss saka nag-dirty finger bago iabot dito ang kanyang bag na kanina pa nitong tangan.

"Sa susunod kasi, ihatid. Para ano pa at may maganda kang sasakyan kung 'di mo naman maihatid ang pinopormahan mo? Bulok mo talaga, Kuya William. Pasalamat ka at maingat pa ako sa pagpapatakbo kong iyon."

Napaangat ang kilay niya sa narinig.

Maingat pa pala ang lagay na iyon e halos kamuntik-muntikan na talaga siyang masagasaan kung hindi lang siya nakaiwas.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon