Sa Araw Ng Pasko

911 5 0
                                    

(Requested by: SillyMaeee_Xx)

Isa, dalawa... Dalawang linggo nalang ang natitira.
Tama, yan nalang ang natitirang mga araw bago ipagdiwang ang araw ng kapanganakan Niya.
Malapit na ang Pasko, kaya dapat masaya lahat ng tao.
Dapat kaligayahan ang nadadama ko, pero bakit parang nalulungkot ako?

Bakit hindi ko magawang ngumiti tulad ng palagi kong ginagawa?
Bakit hindi ko man lang magawang tumawa?
Bakit parang nakakaramdam ako ng pangungulila?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ganito ang aking nadadama?

Ah, oo nga pala, naalala ko na ang dahilan.
Sa araw ng Pasko, hindi ko makakasama ang aking mga kaibigan.
Nakalulungkot isipin na yun na ang huling Pasko na makakasama ko sila.
Sapagkat sa susunod na taon, hindi na kami magkakasama.

Maaaring magkita pa kami, subalit maaari ring hindi ko na sila kaklase.
Maaaring makasama ko sila, pero hindi na kami magkakasama sa iisang klase.
Nakalulungot isipin na sa susunod na taon, maninibago nanaman ako.
Kailangan ko ulit magsimula sa unahan, kahit pa naka-abot na ko sa dulo.

Dulo ng karera na kung saan kilala ko na ang aking mga kamag-aral.
Dulo ng karera na kung saan nasanay na ko sa kanila at napa-mahal.
Dulo ng karera na kung saan kinakailangan ko muling mag-simula.
Dahil nakasi-siguro ako na magkakawatak-watak nanaman kami at ma-lalayo ako sa kanila.

Kaya sa araw ng Pasko, nais ko sanang sulitin ang natitirang mga panahon.
Panahon na kung saan magkakasama pa kami ngayon.
Sa araw ng Pasko, nais ko sanang maging masaya kasama ang aking mga kaibigan.
Ayoko munang isipin ang hinaharap, nais ko munang isipin ang kasalukuyan.

Nais ko munang sulitin ang mga natitirang sandali.
Mga sandali na kung saan kasama ko sila palagi.
Nais ko munang pagtuonan ng pansin ang mga biruan at tawanan.
Nais ko munang paniwalaan na sa dulo kasama ko pa din ang aking mga kaibigan.

Sa araw ng Pasko, wala na kong hihilingin pa kundi ang makasama sila.
Nais kong makipagbiruan at makipagkuwentuhan sa kanila.
Yan lamang ang isinisigaw ng aking puso, dahil ayokong maiwanan.
Maiwanang mag-isa habang nakakapit sa nakasanayan.

Gusto ko sanang salubungin ang araw ng Pasko nang may ngiti saking mukha.
Ngunit paano ko iyon magagawa kung ako'y nangangamba?
Nangangamba at nalulungkot sa maaaring mangyari sa hinaharap.
Iniisip ko pa lamang iyan, subalit pati ang paghinga'y nagiging mahirap.

Sino ba naman ang hindi mangangamba?
Kung ang nakasanayan mo ay bigla nalang mawawala?
Hindi ba't nakalulungkot isipin na mahihiwalay ka sa kanila?
Mahihiwalay ka sa mga tao na sa buhay mo'y minsan nang naging mahalaga?

Nakalulungkot man isipin, mas nanaisin ko pa din ang ngumiti.
Ngumiti at maniwala na magkakasama kaming muli.
Sa araw ng Pasko, isa lang ang gusto kong regalo mula sa inyo.
At iyon ay ang tuparin ang pangako niyong magkikita pa din tayo at hindi ako mabubura sa mga alaala ninyo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon