Shoot 17 "Be part of us"

64.8K 3.7K 833
                                    

"Ano? tatanggapin mo ba yung inaalok sa'yo ni Darkshadow, Dani?" Tanong sa akin ni Sophia habang nandito kaming dalawa sa cafeteria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano? tatanggapin mo ba yung inaalok sa'yo ni Darkshadow, Dani?" Tanong sa akin ni Sophia habang nandito kaming dalawa sa cafeteria. Parehas naming vacant kung kaya't nagkita kaming dalawa.

"Lelang niya," sagot ko at sumubo nung vanilla Ice cream na binili namin kanina. "Hindi matatapatan ng pera ang item na iyon. Nagagalit pa siya sa'kin nung una dahil tinulungan ko yung NPC na si Eba tapos ngayon ay bibilhin niya ang gloves na nakuha ko."

Nanggigil talaga ako kay Darkshadow na iyan. He's ordering me na ibigay ko raw sa kanya ang stellar gloves na nakuha ko kapalit ng 50,000 pesos na pera sa game. Ako ang naghirap doon, sa aking ideya na tulungan si Eba kung kaya't hindi ko basta-basta ipamimigay iyon.

"Sayang 'yon, hindi ka basta-basta makakaipon ng 50k sa laro," sabi ni Sophia.

"Pero mas hinding-hindi ka makakakuha agad ng mga rare items." Dugtong ko at napatango-tango siya na parang nakuha niya ang nais kong ipunto.

Napatigil kami sa pag-uusap nung biglang dumating si Jacw at umupo sa tabi ko. "What's up, girls?" He said to us. Hindi niya dapat malaman na parehas kaming naglalaro ni Sophia ng School War Online.

"Mauna na 'ko. I have a class to attend to bye Dani!" Sabi ni Sophia at naglakad na palayo.

Tumingin ako kay Jace at puno nang pagtataka ang kanyang mukha. "May galit ba sa akin iyon at umalis?" Tanong niya at umiling ako. "Pero teka nga, Dani! Kailan pa kayo naging close ni Sophia?! I mean, she's the face of our school at anak siya nung school owner. Ikaw ha, big time na ang mga kaibigan mo."

"Siraulo, malamang magkakilala kami dahil parehas kaming naglaban sa miss Intrams. Ngayon nga lang kami naging close." Paliwanag ko.

"Speaking of miss Intrams, gusto ng mga kaklase natin ikaw na lang ang lumaban ulit sa pagea--"

"Hindi na ako pwede, ako ang cabdidate last year. At hindi rin ako payag." Ayoko ng sumasali sa mga pageant-pageant na iyan dahil sa tingin ko ay hindi naman ako pang-ganoon. Ayokong-ayoko rin na naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha kaya hindi na ako sasali ulit.

"Maiba tayo bestfriend, ayaw mo ba talagang maglaro ng School War Online? Makakahabol ka pa sa level," muntik pa akong mabilaukan sa chips na kinakain ko at mabilis akong inabutan ng tubig ni Jace. "Ano, okay ka lang?"

I drink a plenty of water bago sumagot sa kanya. "Oo, okay lang ako. 'Diba nasabi ko na sa'yo na studies lang ang focus ko ngayon at isa pa, may contest akong sasalihan so I should do my best lalo na't malapit na iyon. Hindi ko na kailanhan ng distraction." I lied, kailangan kong makaisip ng ibang topic na aming pag-uusapan. "Kumusta ang birthday ni tita?"

Mabuti at kumagat si Jace at iyon ang naging usapan namin dalawa.

Matapos ang mga klase ko ay tumungo na ako sa may library para mag-practice. Medyo nalulungkot na nga ako dahil pakiramdam ko ay nagkakaroon na ng distant sa pagitan naming dalawa ng aking bestfriend. Pero 'di bale, sa oras na matapos itong contest ay babawi talaga ako sa kanya.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon