[23] Mistakes

904K 22.1K 3K
                                    

Chapter 23 : Mistakes

 

 

NATHAN’S POV

Agad-agad kaming pumunta sa bahay na tinutuluyan nina Gail. Pero hindi na namin sila naabutan. Sinugod na raw sila sa ospital.

“Thank God! Narescue sila. Sana naman walang mangyaring malubha sa kanila,” nag-aalalang sabi ni Ate Lie.

“Tara, puntahan natin sila sa ospital,” yaya ko kina ate Lie at Darryl. Nag-aalala ako kasi wala naman silang kamag-anak dito na mag-aasikaso sa kanila.

***

Gamit ang motorbike namin, nakarating kami sa ospital sa bayan. Tinanong namin kung saan ang room nila Gail at Kaye Anne. Pusang-gala naman! Tinatanong pa yung full name ng pasyente. Hindi naman namin alam.

“Nurse! Basta po ang pangalan nila ay Gail at Kaye Anne! Kakarating lang po nila dito, yung galing sa sunog?! Mahirap po bang intindihin yun?!”

Si Ate Lie nga pala, nag-aalburoto na sa pakikipag-usap sa nurse. Highblood ata ito eh.

“Baby, tama na yan,” piit ni Darryl sa kanya.

“Baby, ano ka ba? Kawawa naman sila Gail dun. Nurse, ano na?!”

Nagulantang ata kay Ate Lie yung nurse sa front desk. Ang lakas pa naman ng boses nyan. Tsk!

“Oh Nathan, andito pala kayo.. hinahanap niyo ba sina Gail at Kaye Anne?”

Pagkalingon namin sa nagsalita.. Si Alex pala..

Lumapit agad ako sa kanya. “Saan ang kwarto nila Gail?”

Pero sumingit si Ate Lie. “Alex! Saan kwarto nina Gail at Kaye Anne?! Kamusta sila?!”

Ngumiti ng tipid si Alex sa amin, “Ayos na sila.. tara samahan ko kayo papunta sa kwarto nila.”

Sinamahan kami ni Alex papunta sa kwarto nila Gail. Medyo nahihilo ako sa amoy ng ospital. Hindi talaga ako sanay dito. -__-

“Ito ang kwarto nila. Pasok nalang kayo,” sabi ni Alex nung tumigil kami sa tapat ng kwarto daw nina Gail.

“Salamat, dre,” sagot ni Darryl. Tumango lang si Alex at umalis na rin.

Pagpasok namin,nakita namin na himbing na himbing sa pagtulog sina Gail at Kaye Anne. Tig-isa sila ng kama pero hati sa isang kwarto. Lumapit kaming tatlo sa kama nila.

“Nathan, bakit kaya may benda sa ulo si Gail? ayos lang kaya siya?” Tanong ni Ate Lie.

“Sshhhh.. wag kang maingay ate.. baka magising sila,” bulong ko. Ang lakas kasi ng boses ni Ate Lie eh.

“Baby, bukas nalang natin alamin kung anong condition nila ha? Uwi na tayo. Pagod ka na eh.”

Medyo may kakornihan si Darryl, pansin niyo? Mana ng konti sa step- sister niya =_=

“Tara Nathan.. balik nalang tayo bukas.”

“Ssshhhh.. hinaan mo boses mo ate. Tsk! sasamahan ko nalang sila dito,kakagising ko lang naman eh,” sabi ko sa kanya.

“Ganun ba? Sige Nathan, bantayan mo na muna sila dyan. Babalik nalang kami bukas ng umaga dito.”

Tumango lang ako at lumabas na rin sila. 

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon