Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"

65.4K 3.5K 1.5K
                                    

"Dani, you're the best!" Malakas na sigaw ni Sophia nung magkita kami at mahigpit na yumakap sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dani, you're the best!" Malakas na sigaw ni Sophia nung magkita kami at mahigpit na yumakap sa akin. "Hindi ko inaakala na mapapasali mo sa BraveOrions si Darkshadow. At isa pa, sumali na rin kahapon si BlueQueen."

Walang nagawa si Darkshadow kun'di sumali sa family namin. Nakuha niya naman ang gusto niya, ibinigay ko sa kanya ang Stellar Gloves.

Bakit ko binigay iyon kahit rare item siya? Una, hindi naman siya nasusuot dahil isa lang siyang item. Pangalawa, hindi ko naman siya kailangan dahil wala naman akong paggagamitan. Pangatlo, napasunod ko si Darkshadow. Naisampal ko sa kanya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay siya ang batas. May mga pagkakataong mapapaikot ko siya sa aking palad.

"Wala 'yon, I just wanted to tease him. 'Di ko naman inaakala na gagawin niya talaga." Sabi ko kay Sophia.

"Pero Dani, sobrang thank you talaga! Ngayong nasa sa atin ang dalawa sa pinakamalakas na player ng Blue Waves University ay paniguradong makikilala na ang family natin. Dahil doon... May chance na maging competetive ang family natin at mapasama sa top family sa buong laro." Napapangiti na lang ako sa paliwanag ni Sophia dahil bakas talaga ang saya sa kanya.

"May kapalit 'yon, Sophia e," I looked at her.

Hinatak niya ang kamay ko. "Oo na! Sagot ko na ang lunch mo!"

There's a bond between me and Sophia na nabuo. Siguro, iba rin talaga ang friendship naming dalawa. Kahit pa sabihing sa online world iyon nabuo, we're still friends. Mas madalas ko na nga siyang kasama ke'sa sa bestfriend kong si Jace.

This past few days, maagang umuuwi si Jace dahil may mission daw silang tinatapos and he's preparing for the next school war. Wala pa ngang announcement pero naghahanda na sila.

Talagang pugad ng malalakas na manlalaro ang Red Ember University. They wanted to protect their title as the strongest school at SWO.

"Kailan ang Math competition mo, Dani? I will clear my schedule on that day." Sabi ni Sophia sa akin.

Takaw pansin pa rin talaga kapag kasama ko si Sophia dahil siya ang mukha ng aming school.

"Pare, yung princess ng CS at CON magkasama!"

"Two of school beauties are friends jeez! Para na akong maliit na patatas nito!"

"Nagpaplastikan lang yung dalawang iyan para makagawa ng ingay e."

Napapangiti na lamang kami ni Sophia kapag naririnig ang pag-uusap ng ibang tao. Kapag nakakarinig kami nang pamba-bash, we decided na huwag na lang itong patulan.

Hindi ko alam kung sino ang may pakana ng mga princess-princess na iyon pero nagsimula iyon ng i-publish sa school newspaper ang article about dito.

Nakalagay sa article na pumili sila ng pinakamagagandang babae sa kada-college and unluckily, isa ako sa napili ng kagaguhang iyon. They are calling me Princess of CS (College of Science) and they're calling Sophia as Princess of CON (College of Nursing.)

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon