Chapter 13 - The Burned House

250K 7.5K 1.8K
                                    

________________________________________________________________

CHAPTER 13 - THE BURNED HOUSE

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Maxwell.

"Malapit na po," sabi naman ng taxi driver. Lumiko ang taxi at tumigil. Nagbayad na si Louisse at bumaba na kami.

"Teka.." sabi ni Louisse. "Bakit.. bakit hindi nila inayos yung bahay?"

Bakit nga ba hindi nila inayos? Sirang-sira at halatang nasunog ang bahay. Bakit walang nag-ayos para pagtayuan ulit ng bagong bahay?

"Magtanong tayo sa katabing bahay," sabi ni Maxwell. Lumapit kami sa katabing bahay. Malaki ang bahay at puro kulay pink. Nagdoorbell si Maxwell. 5 minutes na ang nakalipas ngunit wala paring nasagot. Nagdoorbell ulit si Maxwell at may narinig kaming sumigaw.

"SANDALI LANG!" Bumukas bigla ang pinto.

"Alexander?" nakangiting sabi ng nagbukas ng pinto. "Julia Lacson. Remember?"

Tinaasan naman ako ng kilay ni Louisse.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Julia. Tinulak naman ako ni Maxwell sa harap ni Julia.

"Ikaw na makipag-usap. Close yata kayo eh." bulong niya.

"Ano.. Julia.. May tatanong lang sana kami. Pwede mo ba kami papasukin?" sabi ko. Ngumiti naman ng malapad si Julia.

"Oo naman!" Pinapasok na kami ni Julia at kung gaano kadami ang kulay pink sa labas ay doble pa ang dami ng pink sa loob. "Sandali lang ha? Magpapaluto lang ako ng merienda kay Manang."

Pagkaalis na pagkaalis ni Julia ay humarap sa akin si Louisse.

"Sino 'yon?" tanong nya.

"Nakilala ko lang sa library." sabi ko.

"Nakikita ko lang din siya sa library eh." singit naman ni Maxwell. "Pero di ko naman kinakausap yun. Lagi niyang kasama yung Jason eh."

"Close kayo?" tanong saken ni Louisse.

"Hindi." sabi ko. Maya-maya'y dumating na si Julia na may kasamang matandang babae na may buhat na tray.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon