Chapter 47

1.9K 76 113
                                    


Chapter 47 - Look

Soundtrack: Kung Di Rin Lang Ikaw by December Avenue


"HAPPY BIRTHDAY JUNE!"


Nilapit sa'kin ni Roxy ang favorite kong chocolate cake para mahipan ko ang kandila.

Pumikit ako at taimtim na humiling.

For my birthday, I wish for every single person in the whole world to find their happiness. And I wish to find mine as soon as possible.

Dumilat ako at nakita ang malawak na ngiti ni Roxy, ni Nanay, Tatay at ni July. Wala sa sariling napangiti na rin ako. Hindi ko akalain na maghihintay sila ng hanggang 12 AM para lang batiin ako.

A single tear escapes my eyes. This is happiness. With this people before me, I realize I can really be happy.


Ang bilis ng panahon. Seventeen years old na ako, ang dami nang nagbago. At sigurado akong marami pang magbabago. Pero nitong nakaraan, dahil sa sitwasyon ko ay parang napakabagal ng oras. Bago ang birthday ko, puro pagmumukmok ang ginawa ko. Hindi na ako umiiyak, pero hindi rin ako masaya. Pati tuloy si Roxy nadadamay ko.

Pero iba ngayong araw.

Pwede naman pala akong sumaya kung gugustuhin ko talaga.

Hindi pa gan'ong kasaya, pero alam ko someday babalik din ang dating sigla ko.


Nanood kami ng sine, namasyal sa mall at nagsimba. Bukod sa chocolate cake kanina, nag-bake pa si Nanay ng sobrang laking chocolate cake. Nagluto rin siya nang maraming pagkain na para bang pasko at bagong taon na.

Kadalasan kasi, isang handaan na lang ang pasko at birthday ko.

Nasa mood sigurong magluto si Nanay, o siguro dahil seventeenth birthday ko, o dahil baka sa pinagdadaanan ko. Kahit ano pang dahilan, masaya ako. Para bang napa-aga ang pasko.

Inimbatahan namin ang parents ni Roxy para sa bahay na maghapunan.

Ang ingay namin habang kumakain. Ganito kami palagi kapag kasama ang parents ni Roxy, ang dami naming napag-uusapan, future, business, at plano para sa next year. Para bang Noche Buena na.

Kina Roxy kasi kami palagi nagno-Noche Buena. Taun-taon 'yon simula no'ng maging driver nila sa Tatay at naging mag-best friend kami ni Roxy. Si Nanay ang nagluluto katulong si Tita, minsan tumutulong din kami ni Roxy. Tuwing New Year naman, pumupunta sila sa Greece para doon mag-celebrate kasama ang lolo at ibang kamag-anak nila.

Kami naman, dito lang sa Pilipinas. Kami ang binibisita ng mga pinsan namin sa ibang bansa.


At speaking of bisita.


"Happy Birthday, June!" sabay-sabay na sigaw ng pitong miyembro ng Polaris sa harap ko pagbukas ko ng pinto.

Ang gaganda ng ngiti nila sa'kin.

Tinulak ni Jackson si Yuan palapit sa'kin. "Happy birthday." sabi niya sabay abot sakin ng bouquet of sunflowers.

"Thank you—achoo!"

"Are you allergic to flowers?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako bago tumawa ng mahina, "Nilalamig lang ako."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon