/39/ Dream?

311K 10.9K 3.3K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



NASAAN ako?

Ang huli kong natatandaan , napapaligiran ako ng mga taong wala sa sarili na nagmistulang buhay na patay, ang unti-unti nilang pagkuyog sa kinaroroonan ko. At.... Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari sa'kin na pakiwari ko'y kanina lang talaga nangyari. Nasaan ako? Hindi kaya... Nakuha na naman ako ng mga Memoire? Madilim na sa labas at liwanag ng buwan ang tumatanglaw mula sa bintana. Lumibot ang paningin ko sa buong silid... Biglang humupa yung kaba na nararamdaman ko nang makita ko na nandito ako sa kwarto ko... Sa loob mismo ng pamamahay ni dad.

Paano ako napunta rito?

Bumaba ako sa kama at dirediretso kong tinungo ang pintuan para lumabas at umalis dito. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si tita Elinor, ang asawa ni dad, ang mommy ni Lily.  Nasurpresa siya nang makita niya ako. 

"Jill, hija, gising ka na pala."

"Nasaan si dad?" tanong ko sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang itsura ni tita Elinor, parang hindi siya tumatanda at kitang kita ang pagkakahawig nila ng anak niya.

"Umalis kanina lang si Richard, ibinilin ka niya sa'kin kapag nagising ka na."

"Anong nangyari? Bakit nandito ako? Paano ako napunta sa kwarto ko? Nasa school ako kanina tapos---" napahinto ako nang makita ko na nakasuot ako ng pantulog, "si manang Fe ba ang nagpalit ng damit sa'kin? Tita Elinor."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa braso, "Jillianne, kailangan kong sundin ang bilin ng daddy mo. May kailangan tayong puntahan." Malumanay na sabi niya at para bang ingat na ingat na baka hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "I hope you understand..." sabi ko na nga.

"Naiintindihan kita tita Elinor, hindi naman ako bingi para hindi kita marinig at hindi maintindihan. Pero I still don't get it. Saan naman tayo pupunta and why should I go with you?"

"Jill, please." Pakiusap niya. Siguro natatakot lang siyang hindi masunod ang pinagagawa sa kanya ni dad kaya ganyan siya. Wala akong nagawa kundi umoo na lang at sumunod sa kanya. Hindi ko nakita si Lily sa loob ng mansyon.

"Where's Lily?" nag-aalangang tanong ko dahil sa pagkakatanda ko kasama siya kanina sa mga nabiktima ng hypnotism ni Perez.

"She's asleep."  Napatango na lang ako sa sagot niya. Ibig sabihin bumalik din sila sa normal? Nasa labas na kami at papasakay na sa kotse nang maalala ko na nakalimutan ko yung bag ko sa kwarto.

"Tita, I forgot my things, kukunin ko lang po sandali sa kwarto." Sabi ko at tumango lang siya. Bumalik ako sa loob at umakyat sa ikalawang palapag, pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung bag ko na nakapatong sa couch. Hindi maiwasang bumalik sa alaala ko yung mga panahong dito pa ako nakatira, yung mga panahong buhay pa si mommy Julia, magkakasama kaming tatlo na masayang nakatira sa malaking bahay na 'to. Sa isang iglap nawala lahat ng maliligayang araw na yon, sa isang iglap naglaho, nagbago. Napalitan ng bagong alaala ang mga luma, mga bagong yugto ng buhay ko, mga malalaking pagbabago, masalimuot, mapapait, malulungkot.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon