Chapter 30

25.4K 909 148
                                    



Naglibot-libot ulit ako sa buong bahay habang lumabas saglit si Acey. Puro tulugan lang talaga ang second floor pero may malaking library, habang ang first floor ay kusina, dinning area at sala. May malawak na garden din na may fish pond pa at may rooftop. Simpleng simple lang talaga ang kinuha nyang bahay.

Lumabas ako ng dinning area at naupo sa couch. Hindi naman ako napagod kakalibot dahil hindi naman ito gaano kalawak. Tumingin ako sa hagdanan tapos sa itaas, kita ko rito ang kwarto ni Kevin at ng kambal. Ibinaling ko ang tingin ko sa tabing pader ng hagdanan at may napansin ako rectangle na guhit. Kumunot ang noo ko at pinunutahan iyon.

Nasa gitna ng hagdanan sa pader nakapwesto ang rectangle na guhit. Pinagmasdan ko muna ito tapos hinawakan pero nagulat ako na bigla itong lumubog.

"Hala!" nataranta ako dahil mukhang nasira ko pa ata. Tumingin ako sa labas ng bahay baka dumating na si Acey pero wala pa sya. "Paano 'to?" tanong ko habang pinagmamasdan ko ang lumubog na pader.

Hinawakan ko ulit ang pader, tinitignan ko kung paano ko ito ibabalik sa dati. Bakit kasi may ganito ito dito.

"Waah!" nagulat ako na lalo pang lumubog ang pader. "Paano 'to?" tarantang sabi ko. Tinignan ko ang pader na biglang umusog pakaliwa at nagkaroon ng ilaw ang loob.

Anong klaseng lugar 'to? nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi pero napagdesisyunan kong pumasok. Naglakad ako pababa ng hagdanan. Mukhang basement pala ang lugar na 'to.

Tuluyan na akong nakababa at namangha ako na isang arcade room pala ito. Ang daming pang arcade games kasama ang billiards. Ang lawak nitong lugar na 'to, buong bahay ata ito kasama ang garden.

Nilibot ko ito. Sobra akong namamangha dahil may ganitong klaseng lugar sa bahay namin. Mukhang matutuwa si Kevin nito kapag nalaman na may ganitong lugar sa bahay. May napansin akong dalawang pinto. Pumasok ako sa isa at mas lalo akong namangha na may swimming pool dito. Hindi gaano kalaki at hindi din gaano kaliit, sakto lang ito sa twenty na tao tapos may underwater aquarium na sa tingin ko ay ito ang fish pond sa garden.

"Grabe ang ganda rito." sabi ko.

Nakangiting lumabas ako ng swimming pool at pumunta naman ako sa kabilang pinto pero hindi basta pinto lang ito, may password ang pinto na ipinagtaka ko. 

Bakit naman kaya magkakaroon ng ganito ito rito? may itinatago kaya si Acey rito kaya may password?

Triny kong hulaan ang password pero mali naman ang ininput kong password. Ano naman kaya ang magiging password nito? Triny ko na ang birthday nya at birthday ko pero mali pa rin.

"Ano pa bang espesyal na number ang para kay Acey?" inisip ko kung ano pa ba ang pwede pero wala akong maisip kaya nanghula na lang ulit ako ng ilang beses pero wala talaga.

Itatanong ko na lang kaya ito kay Acey. Nag-try ulit ako ng isang beses at kapag hindi pa rin tumama ay suko na ako.

"696969" natawa ako dahil mukha bang ganito ang password ni Acey? naisip ko kasi ang pagiging manyak ni Acey kaya ito ang pumasok sa isip ko.

"Seryoso?!" nabigla ako dahil biglang nag-green yung screen, ibigsabihin tama yung password. "Ang manyak nya talaga!"

Napailing na lamang ako. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan na pumasok. Kusang bumukas ang ilaw sa loob nung bumukas ang pinto. Tuluyan na akong napakasok sa kwarto at hindi ko alam kung ano ire-react ko.

Ano ba dapat ang magiging reaction ko kapag nakita ang mga 'to? Puro ito paintings na halatang ako ito kahit naka-sideview, sa malayo, nakatalikod at may ilan na nakaharap sa iba't ibang size ng canvass. Hindi lang paintings ang nandito, may ilan din na nakasabit ang mga larawan na halatang stolen at may mga regalo rito, mula sa sobrang liit na box hanggang sa mas malaki pa sakin na box.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon