KABANATA 36

14.4K 587 319
                                    

"Is Kuya crazy? He always smiles," I asked yaya Dolores while looking at my brother walking back an forth in front of me.

Yaya Dolores chuckled, "Masaya lang ang kuya mo?"

Napakunit ang noo ko, "Why? He has an upcoming exam and he told me exams are exhausting. But why is he so happy?"

Hindi nagawang sumagot ni Yaya Dolores dahil dumating si ate Shanaia. My brother's smile grew even wider and I saw his eyes twinkled. Mas lalong napakunot ang noo ko.

Yaya Dolores held my shoulders. "Masaya ang kuya mo dahil kay ate Shanaia mo. Nakikita mo yang ngiti sa mukha niya? Mas matingkad kesa sa palagi niyang ngiti. Ganyan ang taong nagmamahal."

"I don't get, yaya. How do you differentiate smiles?"

Yaya Dolores didn't answer. Nakangiti itong ngumiti then she ruffled my hair. "Ikaw talaga."

-

"Kuya.." my brother turned his head towards me. Isang ngiti ang sumilay sa mukha niya nang mapansin akong nakatayo sa labas ng kwarto niya. Huminto siya sa pag-eempake para sa trip niya bukas sa Sulu saka lumapit sakin.

Naupo siya to level my height. "Why're you still awake, Kristin?"

"Do you love ate Shanaia more than us?"

He chuckled at ginulo ang buhok ko, "Of course not. It's a different kind of love, Kristin. I love you because you are family. You are my little sister."

"Then why is it that everytime you look at ate Shanaia, your face lits up?"

"Umm.. How do I explain this?" he rubbed the back of his neck. "Do you see how dad loves mom?"

I nodded.

He smiled, "That's how I love your ate Shanaia."

"I don't get it."

Mahina siyang napatawa. "You'll understand it when you grow up. But, I'll tell you this, lil sis. Once you feel it, cherish it and never let it go. It's the most wonderful thing that could happen to you. Now," he stood up and held my hand. "Let's lead you back to your room."

I stared deep into his eyes when our lips parted. I searched for answers in those pair of deep brown eyes.

Why did you kiss me back? Do you feel the same?

The kiss was short. It was slow and gentle but it felt like I was running out of air. My heart was pounding and I could feel the whole zoo in my stomach.

Ibaba ko na sana ang dalawang kamay ko nakahawak sa magkabilang pisngi niya nang bigla niya itong hinawakan. Slowly, he guided my hands into his chest. My cheeks flushed when I felt the beating of his heart under my palm.

"A-Antonio.." naguguluhan kong sabi.

Napayuko siya, "Ang bilis ng tibok ng aking puso. Sa sobrang bilis ay pakiramdam ko, gusto na nitong kumawala mula sa aking dibdib. Sa sobrang bilis ay parang mawawalan na ako ng hininga... At nakakatuwa dahil ikaw lamang ang nakakagawa nito sa akin."

Pakiramdam ko umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas ay parang nabibingi na ako.

"Unang beses akong nakaramdam ng ganito noong unang beses kitang nakita. Unang beses na dumapo ang mga mata ko sa iyo, humanga na ako. Humanga sa iyong katapangan. Humanga sa kagustuhan mong ipagtanggol ang iyong sarili mula sa pang-aapi. Pangalawang beses ay noong nakita ko ang iyong mga ngiti. Mga ngiting hindi ko akalaing magiging mas matingkad pa sa sikat ng araw." I wanted to look at his face pero nakayuko siya. "Pangatlo ay noong nakita ko ang mga luha sa iyong mga pisngi. Pakiramdam ko nadurog ang aking puso noong nalaman ko ang kwento sa likod ng mga luhang iyon. Dahil doon, nagkaroon ako ng kagustuhang panatiliin ang iyong ngiti. Pang-apat ay noong mas nakilala ko ang iyong pagkatao. Mas nakilala ko ang isang Kristin Lopega. At dahil doon, gusto ko pang mabasa ang bawat pahina ng iyong buhay."

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon