[60] I don't want to use you just to have somebody by my side.

3.1K 78 40
                                    


Chapter Sixty

LEWIS

Tahimik. Tahimik lang si Aicel nang bumalik siya sa kusina. Ayokong namang magtanong dahil kailangan niya din ng privacy. Pero bakit parang apektadong apektado siya kay Sage?

Nacurious tuloy ako sa pinag-usapan nila ni sa labas. Naisip ko nga kung bakit umakto ng ganon si Aicel nang makita kami ni Sage na masayang magkahawak-kamay. Isn’t that weird?

Tanggap ko pa kung ganoon ang maging reaction ni Sage e. He likes Aicel, so normal lang kung mag-selos siya sa nakita niya. Pero si Aicel kaya? What does she feel when Sage saw us? Parang ang dating kasi nagiging defensive siya.

“Aicel.” I called her. Buti na lang lumingon siya sa akin. “Nagtext si Ella. Sabay sabay daw tayong kakain ng lunch sa labas. Let’s go?”   

Marahan itong tumango. “Sige.”

Naghugas muna ito ng kamay bago kami sabay na lumabas ng kitchen. Pero nagulat na lang kami sa nadatnan namin sa labas. (-____-’)


“Olla! Olla!” Nakangiting bati ni Bench habang winawagayway ang hawak niyang kutsara.

“Oh?” Gulat kong tanong sa kanila. “Akala ko ba kakain tayo sa labas? Bakit lahat kayo nandito sa loob? May fiesta ba? Haha.”

“Baliw!” Binato ako ni Patrick ng tinidor. Buti na lang nasalo ko agad. “Malamang nasa loob kayo ng kusina. Kaya kakain kayo sa labas.”

Okay. (-____-’)

Minsan hindi ko gets ang proseso ng pag-iisip nila e. Sinara kasi nila ang Sweets and Cups Cafe at pinagdikit-dikit nila ang mga tables. Ang daming ulam sa table. Akala mo fiesta e.

Kumpleto din ang aming barkada. Nandito sila Pen, Zion, Reese, Patrick, Ella, Bench, Thea, Sage, Patch at ang bagong addition sa grupo, sila Reine at Carlo. Solid talaga tong barkadang to.

Sabay sabay kaming nagdasal at nagsimula nang lumapang!

“Sinong nagluto?” Tanong ko sa kanila.

“Present!” Sabay sabay na taas ng kamay nila Reese, Ella, Thea at Reine.

“Hey, babe!” Bench interrupted. “I helped din kaya.”

“Oo nga. Food taster. Pero hindi ka tumulong!”

“Tumulong kaya ako. I tasted the dishes. Kung hindi dahil sa akin, hindi niyo malalamang masarap ang luto niyo.” Depensa ni Bench. 

“Yeah right. Pero dahil sayo, muntik ng maubos ang ulam natin. Tss!” And they started arguing about the helping issue. Ang dalawang ito talaga. Masyadong mahal ang isa’t-isa.

“Beh, diba tumulong din naman ako.” Sabi ni Patrick kay Ella with matching pacute voice pa.

Napa-pokerface lang si Ella. “Sa Groceries? Pero diba ang dami mong nilagay na chocolates sa cart kaya napamahal ang binayaran ko?”

“Wahahahahaha!” Nakakagulat naman tong malakas na pagtawa ni Zion. “Chocolate lover ka pala! Bigyan mo naman ako ng isa—ano ba to? Bakit ang paet?”

Natawa kaming lahat nang sumama ang itsura ni Zion nang matikman ang kinakain niya. Hahaha. Pakbet pa naman ang ulam niya.

“Malamang, ampalaya yan!” Sabay batok ni Sage dito.

Sumali na din ako sa pang-aasar. “May ampalaya bang hindi mapait? Saan ka nakatikim ng ampalayang matamis? Boplaks e! Hahahaha.”

Napa-kamot na lang ng ulo si Zion habang tumatawa kaming lahat. Ang sama talaga ng itsura niya. Siguro sobrang pait talaga nung nakain niyang ampalaya. Hahaha.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon