Chapter 30

7.4K 231 5
                                    

ALTAIR


Naglalakad na kami ngayon dito sa kagubatan pauwi sa campus. Walang imikan. Nasa kanan ko si Lucas at nasa kaliwa ko naman si Lucius na nakasimangot. Ang nag le-lead ng daan ay mga teachers. Limang teachers ang lumabas kasama na ang principal. Nasa likod naman namin ang commander ng Red Army at ang dalawa pang mula sa Red Army. Hindi sila nakasakay sa kanilang mga kabayo. Hawak lang nila ang mga lubid ng kanilang nito kaya nakasunod ito sa kanila. Hindi na raw sila sasakay sa kanilang kabayo papunta sa academy para patas dahil walang dalang masasakyan ang mga teachers dahil sa nagmadali na silang lumabas para hanapin kami.

Na g-guilty na naman ako. Pero kasi, kung hindi lang talaga naglayas itong si Lucius, e di sana nasa Red Army Division ako ngayon at nagt-training na. Kahapon, hindi ako nakapag training dahil sa punishment namin yun ni Ryoran tapos ngayon, hindi ulit. Pag ang punishment is suspended kami sa training, wala na. Huli na ako sa mga lessons. Si Lucius kasi e.

Pero na isip ko na kung hindi ko pinagtawanan itong si Lucius nang magtapat siya sakin, hindi siya maglalayas at hindi kami hahantong sa ganito. Pero kasi… Haay. Okay. Kasalanan ko na.

Nahihiya talaga ako lalo na't commander ng Red Army ang nandito. Sa pagkakaalam ko, Red Army ang magiging army group ko dahil apoy ang kapangyarihan ko. Ibig sabihin lang nito, siya ang magiging commander ko. Shemay. Nakakahiya.

Ilang minuto pa na paglalakad, bigla na lamang nagsalita ang commander ng Red Army, "Huminto muna."

Napahinto naman kaming lahat at nilingon sila sa likod. Nakapikit ang mga mata niya na tila pinakikiramdaman ang paligid namin. Habang ang dalawa pang Red Army ay nakaposisyon na tila naghihintay ng kalaban.

"Bakit Commander Shin?" Tanong ni Ma'am Jacqueline.

Biglang iminulat ng commander ang kanyang mga mata. "Mga Air Force!" Bulalas niya.

Naalarma ang mga teachers at pomosisyon agad sila. Pati na rin sila Lucian at Lucius. Habang ako, hindi ko alam ang gagawin.

Wait lang kasi. Ano ba gagawin ko?

Nakarinig kami ng ingay na tila isang makina. Habang tumatagal, lumalakas ito na tila papalapit samin at mukang marami ito.

"Oh! May nakasalubong pala kaming Elemental Army." Isang boses ng babae ang narinig namin at mula ito sa itaas kaya napatingala kami.

Isang babae na lumilipad sa ere at may mga nakasuot sa kanyang katawan na mga kung ano-anong metal at parang baril na kung ano man.

Nakakarinig ako ng tila higit sa isa pang parating na kagaya niya dahil sa mga ingay na likha ng equipment nila. Saktong may lima pang dumating na mga lalaki na nakalipad rin sa ere at kagaya nung babae ang nakakabit sa mga katawan nila.

"Uy. Hello, Elemental Army! Ay! May kasama din pala silang studyante," saad ng isang lalaki mula sa ere. Tapos may kinabig siya sa nakakabit sa kanya na tila tubo na metal at itinutok sa amin.

"Ilag!” May sumigaw pero hindi ko na nalaman kung sino. Pagkasabi nun, hinila ako sa braso ni Lucas papunta sa kanya.

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw kasabay ng pagtilapon namin ni Lucas. Napadapa ako.

"Ayos ka lang, Altair?" Tanong ni Lucas na agad na bumabangon.

"O-oo," sagot ko at agad na tumayo.

Isa pang pagsabog ang narinig namin kaya napalingon kami ni Lucas doon sa pinagmulan ng pagsabog.

Nakita ko ang paglalaban-laban ng teachers dun sa dalawang lalaki na sinasabing Air Force. Nahihirapan nga sila na matamaan ang kalaban nila dahil sa nasa ere ito at mabibilis na nakakailag.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon