Chapter 23

124K 2.2K 378
                                    

                                                                     

                                                                     ••••

CLARISSE

"I'm sorry again for what happened last Saturday, attorney. I acted immaturely. I shouldn't have sent that text to your husband. Hinding-hindi ko na uulitin ang ganung pagkakamali.”

“I told you. It’s okay. Huwag na nating pag-usapan yung nangyari,” I answered while looking outside the car's window.

“Hindi pa rin ako mapakali. Everytime na nakikita kong seryoso ang mukha niyo  pakiramdam ko you’re still disappointed with me.”

Heto na naman kami. Lunes na lunes ay tinatadtad pa rin ako ni Lance ng paulit-ulit niyang pagso-sorry. Buong araw niya na akong binuliglig kahapon sa kaka-explain at kakahingi ng tawad kung kaya’t medyo nakakapagod na rin sa tenga na may continuation pa rin hanggang ngayon. I already answered him repeatedly that I’m not angry anymore kaya lang tila naka-active mode na naman ang kakulitan ng assistant kong ito.

Konti na lang ay mapipigtas na ang itinitimpi kong pagsusungit. Hindi ko lang basta-basta mapagbigyan ang dila ko sapagkat as usual humingi na naman ako ng pabor sa kanya na gamitin ulit ang mamahalin niyang kotse para sa mga appointments namin for the day. My car is coding every monday.

Now I know why most of the time I feel that he doesn't see me as his boss at ako rin nama'y paminsan-minsan nakakalimot na staff ko nga pala siya, na ako nga pala ang dapat na mas masunod sa aming dalawa. Paano ba naman, between the two of us, parang mas madalas pang ako ang nasa yagit na sitwasyon. Sa kanya, balewala ang coding-coding na yan palibhasa'y may dalawa pa siyang nakareserbang sasakyan. Pag nagkayayaan naman kaming kumain sa labas na kahit pa nga minsan ay may kinalaman ito sa trabaho, inuunahan pa niya ako sa pagbabayad ng bills. Mas magaling siya sa pananamit at higit sa lahat mas mamahalin pa ang mga gamit niya kaysa sa akin.

I thought his family is rich because of his popular father. But I was wrong, his mother is the one who's richer among his parents. Nagmula pala ang nanay nito sa isang napakayamang angkan. Though living in the shadow of her husband's fame, Mrs. Perez alone owns two popular clothing lines, fifteen restaurants, three four star hotels and a shipping line. I researched about it out of curiousity since Lance has flashes of unexpected extravagance in him. Kaya nga hindi ako nagi-expect na magtatagal siya sa firm namin. Sooner or later aalis din ito since he has a lot better opportunities outside our company. Right now, I'm just taking advantage of his intelligence and connections while still with us... Siyempre kasama na rin sa ini-enjoy ko ang pagkakaroon ng gwapo, cool at masayang kasamang assistant.

"See. Malalim pa rin ang iniisip mo, mukhang disappointed ka pa rin sa akin."

Napilitan akong tumingin sa makulit kong kasama. I slowly gave him a wide sweet smile.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon