Chapter 8

31.7K 1.1K 40
                                    

Chapter 8

Nanatili akong nakatitig sa pinto kung saan siya lumabas. Tumingala ako upang pigilan ang mga luha ko.

Hindi ako nasasaktan sa panlalait niya sa katawan ko, pero ang paulit-ulit na lumabas sa bibig niya na madumi akong babae ay ibang usapan na.

Tinapik ko ang magkabilang pisngi bago lumabas ng library. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang tingnan ko ang oras sa aking relo.

It was only 3 in the morning. Kailangan kong maghintay ng dalawang oras pa para makauwi. Kinuha ko ang damit na pamalit sa paper bag at tumungo sa bathroom. Matapos maglinis at magbihis ay humiga ako sa malambot na kama.

Kinagat ko ang ibabang labi at kumurap-kurap. Tipid akong napangiti nang napigil ko ang sariling emosyon.

Ganyan dapat, Amity! Strong dapat!

Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako. Nagising ako dahil sa nag-iingay kong cellphone. Napabalikwas ako ng bangon nang nakita ang oras sa aking cellphone. Alas otso na!

I had 24 missed calls from Faerie. Tiyak na umuusok na ang ilong niya sa galit at pag-aalala kung nasaan ako.

Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit at dinampot ang mga gamit ko. Pagbaba ko ng hagdan ay nasalubong ko ang katulong.

"Hija, mag-almusal—"

"Sa school na po. Kailangan ko pa pong umuwi sa bahay at magpalit ng damit." Pilit kong nginitian ang matanda.

Palabas ng bahay ay tinawagan ko si Faerie. Ilang ring lang ay sumagot siya.

"Where are you right now, Amity Helene Escobar?!" halos pasigaw niyang tanong.

Ipinikit ko ang mga mata. Sa labas ng subdivision ay may nakita akong tricycle at pinara ito. Sumakay agad ako at nagpahatid sa sakayan ng jeep.

"Tinatanong kita, Amity!"

Bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tenga. "Don't shout. I overslept, love." Hindi ko kayang sabihin sa linya kung saan ako natulog, dahil alam kong malilintikan ako sa kanya. "Nasa bahay lang ako—"

"Dinaanan kita sa apartment pero wala ka roon!" gigil niyang sabi.

Lumunok ako. "I'll tell you later."

"Siguraduhin mo lang, Amity. Malilintikan ka talaga sa akin," banta niya at pinagbabaan ako.

Tumingin ako sa kawalan hanggang sa tumigil ang tricycle. Bumaba ako at agad na sumakay ng jeep.

Buong byahe ay wala akong inisip kundi ang nangyari kagabi. Hindi ko maintindihan si President sa mga ikinikilos niya. He was so hard to read.

Matapos ang sa tingin ko ay pagkatagal-tagal na byahe ay bumaba ako malapit sa apartment. Pumasok ako at agad na dumeretso sa banyo.

Nakaligo at nakabihis na ako pero paulit-ulit pa rin sa isip ko ang haplos ni President sa labi ko. It was as if he was so used to doing that.

Magtigil ka, Amity! Hindi ka pupwedeng mahulog sa patibong ng isang Agrezor!

Pumasok ako sa school. Habang naglalakad sa hallway ay may kumalabit sa aking likod.

"Mommy, may pasok kayo?" Nakakunot-noong tanong ni Aris. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. "Good morning po pala."

"Good morning," ganting bati ko kahit malapit nang pumatak sa alas dose ng tanghali ang oras. "Kailangan naming mag-report dahil may babalik na mga estudyante para alisin ang booths."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon