Shoot 27 "Club room"

65.6K 3.6K 898
                                    

"Ayan na, hindi naman ako talkshit," inilapag ni Jace sa lamesa ko ang ticket for Sekai no Owari concert

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayan na, hindi naman ako talkshit," inilapag ni Jace sa lamesa ko ang ticket for Sekai no Owari concert. Dali-dali kong kinuha ang ticket at niyakap.

"Jeez! Makikita ko na si Fukase sa personal!" Masaya kong sigaw. Ang nakakatuwang part dito ay nakuha ko ang ticket nang libre. I'm planning to buy ticket kung sakaling matalo ako, kaso ay gen. Ad. Lang. But I won! VIP ticket pa!"

"Sayang kasi e! Pinalad lang ang BWU, hawak na namin ang tagumpay e." Jace shouted on me na talaga namang gigil na gigil siya dahil sa nangyari.

"Una ka ngang namatay sa war e," reklamo ko sa kanya. Napakalaking hater naman kasi nitong si Jace, hindi man lang marunong tumanggap nang pagkatalo ang mokong.

"Wait, how did you know na isa ako sa mga unang na-eliminate." Paano kasi ang bobo niya, nakatapak siya sa isang landmine kung kaya't namatay agad siya.

Hindi nga niya pala alam na nandoon din ako sa mismong war. Alam ko ang karamihan nang nangyari. "K-kasi nanuod ako ng replay. Duh! May youtube at livestream para mapanuod iyon." pagsisinungaling ko at napatango-tango naman siya.

"Ay nga pala! Plano kong pumunta sa isang gaming company sa sabado, magpapasa ako ng application as an intern. Baka gusto mong sumama?" Jace asked me. Ibinulsa ko na ang ticket na kanyang ibinigay.

"Ang aga naman, hindi mo pa nga sigurado kung makakapasa ka this semester e." Sermon ko sa kanya dahil iilan pa lang ang mga quizzes na naipapasa niya. Kampante talaga siyang makakapag-OJT siya, ha!

"Mas maganda nang maaga ke'sa naman mahuli ka 'diba?" Sa bagay, may point din itong si Jace.

"Sige, chat mo ako kapag tutuloy ka ha! Magpapaalam ako kay mama," Sabi ko.

"Ayan ka na naman sa chat-chat mo na 'yan! Seener ka nga! Kung hindi mo man sini-seen, ini-inbox zone mo lang ako!" Reklamo niya kung kaya't napatawa ako ng malakas. Ang hirap naman kasing kausap ni Jace, puro kagaguhan lang ang sinasabi.

Pumasok na kaming dalawa sa sunod naming klase and I received a text from Sophia.

From: Sophia
Hey, Dani! There's a celebration party tonight. Mag-online ka :D

"Ano 'yan?" Biglang dumungaw si Jace kung kaya't inilayo ko sa kanya ang cellphone ko. "Ikaw, Dani, feeling ko ang dami mong sinisikreto sa akin. Bestfriend mo ako!" 

"Ayon na nga, bestfriend kita, kilala kita at tsismoso ka. Doon ka na nga!" Dumukdok na lang si Jace sa kanyang desk.

I replied back to Sophia.

To: Sophia
Yes, I will be there!

Sent!

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na kami  ang nanalo sa school war. It becomes a hot topic on social media. Nakilala na ang paaralang BWU, dati kasi ay kapag sinabi ang word na SWO ay kadikit lagi nito ang REU dahil doon nanggagaling ang mga sikat at magagaling na players.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon