MALDITA 26

892K 21.5K 5K
                                    

Maldita 26

Dalawang linggo na din ang nakakalipas magmula noong umpisahan ang renovation sa School garden at dalawang linggo na ding parang may meet and greet sa School ko. Grabe, kahit summer vacation ang daming Stupident sa School ko. Magmula noong nalaman nila na may 'gwapo' daw doon, bigla silang nag-puntahan. Dalawang linggo na din akong na-sstress dahil sa kanila!

Sino ba naman ang hindi ma-sstress kung ang daming malalanding babae na halos mamatay-matay dahil sa kilig kapag nakikita ang pagmumukha noong Kupal na 'yon? Lalo na kapag nginitian sila ni Kupal, ay nako! Mabibingi ka sa mga tilian nila! Nakaka-imbyerna! Ano bang nakita nila sa Kupal na 'yon? Hindi naman ka-gwapuhan, ang yabang-yabang pa!

Kaya ito, para magtanggal ng stress inaya ko si Avy na magpunta sa salon.

"Hey, nakakunot na naman ang noo mo. Hindi nakakaganda 'yan." Puna sa akin ni Avy kasabay ng paglipat nya sa page ng magazine na binabasa nya.

"Nakakunot o hindi man ang noo ko, maganda pa rin ako." Depensa ko.

"Ang taray mo talaga, kaya walang nanliligaw sayo eh."

"Hindi ko kasalanan kung masyado akong maganda at mayaman para sa kanila."

"Alam mo ang bagay na lalaki sa'yo, 'yung lalaking kayang-kayang makipagsabayan sa kamalditahan mo. Parang si..." Tumingin pa sya nang nakakaloko sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay at tinignan nang masama.

"Don't you even dare." Banta ko pero hindi sya nakinig at itinuloy pa din.

"Neo." Hinampas ko naman ang braso nya.

"Aray! Walang sakitan, ito naman. Ano ba kasing ayaw mo kay Neo? Gwapo naman 'yong tao, mayaman, may trabaho at higit sa lahat kaibigan mo ang kapatid nya. Oh 'di ba nakakatuwa? May instant younger sister ka na! Para talaga kayong itinadhana, pinagtagpo kayo ng tadhana. Oh? Aarte ka pa ba?"

"Tigilan mo nga ako. Tadhana? Yuck! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Masyado akong maganda para sa kanya."

"The more you hate the more you love."

"The more you talk the more I want to punch you." She stick her tongue out in reply. Kaasar, parang bata.

Nakaka-idlip na ako noong biglang tumunog ang cellphone ko. Hinayaan ko lang at pumikit ulit ako.

"Miss, may tawag po ata kayo." Sabi sa akin ng isang staff.

"Alam ko. Gusto mong sagutin?" Alok ko sa kanya. Umiling-iling naman sya.

"Avah." Sita sa akin ni Avy.

"Chill." Iritado kong kinuha ang cellphone ko. Pagtingin ko si Mikee lang pala ang tumatawag. Tumingin ako sa gawi ni Avy, relax na relax sya habang nagpapa-foot spa. Hindi naman ako papayag na ako lang ang nasira ang pahinga, dapat sya din. I pressed the accept button at kinalabit ko si Avy.

"What?" Iritadong sabi nya.

"Mom wants to talk to you." I said and handed the phone to her.

"Yes Mom?" Sabi nya. Kumunot ang noo nya at tumingin bigla sa akin.

"Hi, Mikee. Avah's making fun of me. Wait lang." She glared at me saka ibinalik sa'kin ang phone.

"I hate you." Sabi nya at inirapan ako. Natawa naman ako sa reaksyon nya. Sabi ko na nga ba at maiinis sya kapag ginawa ko 'yon. She doesn't want to talk to Mikee ever since she left him hanging. Nahihiya daw kasi sya dahil sa mga kagagahang ginawa nya sa best friend nya. Well, Mikee doesn't want to talk to her either. Bitter kasi ang gaga.

"Ang lakas din ng trip mong ipaka-usap sa akin ang kapatid mo." Inis na bungad sa akin ni Mikee.

"Istorbo ka kasi, nagpapahinga 'yong tao."

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon