Chapter 9

32.2K 1.3K 114
                                    

Chapter 9

Matapos ibalot ang red velvet cake ay dali-dali akong lumabas ng café. Sumakay ako ng tricycle pabalik ng school at dumeretso sa building ng opisina ni President.

Humugot ako nang malalim na hininga bago kumatok sa pinto.

"Come in," he commanded.

Pinihit ko ang seradura. Pumasok ako at lumapit sa kanyang table. Inilapag ko roon ang binili ko pati na ang sukli. "May iuutos pa po ba kayo, Sir?"

"Yes." Tumayo siya. "Please sit on the sofa."

I finally looked up at him. Isinenyas niya ang sofa. He took the cake and placed it on the table. Umupo siya sa tapat ng sofa kung saan niya ako pinauupo.

There were foods on the table I didn't know where he got. Kanina ay wala naman ang mga 'yon doon.

"Nanay Lilia told me you didn't eat breakfast." He gave me a glazed look. "Now, eat."

Hindi ako bumago sa pwesto. Tumayo siya at hinawakan ang braso ko. Iniupo niya ako sa sofa.

"Is this a bribe?" I asked.

Umupo siya sa aking harapan at sinimulang buksan ang mga bento box. Umangat ang sulok ng kanyang labi.

"You don't have to worry, Sir. I won't tell anyone what you've done here. May isang salita po ako."

Itinigil niya ang pagbubukas ng isa pang bento box. Sumandal siya sa sofa at naghalukipkip. "I know. 'Cause if you do, you know what will happen next. Goodbye, Hasse Colleges."

Domineering. Unethical. Monster.

Tumikom ang mga palad ko.

"You'll do everything I want, Miss Escobar." Ramdam ko pa rin ang titig niya. "You don't have any choice but do what I say."

Kung ito lang ang paraan para manatili ako sa eskwelahang ito ay gagawin ko.

Inangat ko ang tingin. Our gazes met. Nagpaskil ako ng tipid na ngiti sa mga labi.

"'Wag ka pong mag-alala. Ito naman talaga ang trabaho ng isang empleyado, 'di ba? Ang sundin ang kagustuhan ng nakatataas."

Umayos siya ng upo at muling ginalaw ang mga pagkain. Inilapag niya sa harapan ko ang isang bento box at ang isa ay sa kanya.

"Good thing, you're aware of your purpose as an employee."

Hindi na ako nagpadala sa hiya at dinampot ang chopsticks. "Bakit kaya may mga ganoong klase ng tao?" Ramdam ko na nakuha ko ang atensyon niya. Ginalaw ko ang pagkain at tinatagan ang sarili. Pinilit kong huwag putulin ang tingin sa kanya. "The superiors are so good in abusing their power and all, and those of the lower ranks just follow their bosses despite of awareness between right and wrong."

His jaw tightened. Sinimulan ko ang pagkain.

"Ang maliliit ang madalas na nakikitaan ng mali kesa sa matataas." Bumagsak ang tingin ko sa sushi sa aking harapan. "Gano'n ba talaga, Sir?"

Hindi siya nagsalita. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa chopsticks.

Binilisan ko ang pagkain. Pagkatapos ay agad akong tumayo at iniligpit ang pinagkainan ko.

Tumingin ako sa pagkain sa harapan niya. He didn't even touch them.

"Salamat po." Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya at lumabas ng opisina. Sumandal ako sa pinto. Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi.

Tama na ang pagiging mahina sa harapan niya, Amity! Hindi ka dapat basta-basta nagpapaapi sa lalaking 'yon. Hindi ka nakatapos ng pag-aaral para lang apak-apakan niya.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon