Chapter 2 - Best Supporting Lover

16.9K 594 186
                                    

Eros

Nagising ako dahil sa katok sa pinto ng unit ko. Agad sinipat ng mata ko ang orasan. 5:45. Sino namang damuho ang mang-aabala nang ganito kaaga?

     Umalingawngaw ulit ang katok. Tatlong magkakasunod na mas malakas pa kesa sa una.

     "Eros," pagtawag sa pangalan ko mula sa labas. Okay, sino pa nga ba ang laging nang-aabala sa akin? Si Zach.

     Pinikit ko na lang ulit ang mata, magsasawa rin yan. Alam naman nyang hindi na maganda ang timpla ko sa kanya matapos ang ginawa nya kahapon. Malinaw naman siguro na tapos na ang pagbibigay ko ng pabor sa kanya.

     Limang minuto pa ang lumipas pero patuloy pa rin sya sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko. Kahit nakatakip na ang unan sa tenga ko, rinig na rinig pa rin ang ingay na ginagawa nya.

     "Eros! Buksan mo na tong pinto."

     Bwiset. Panira talaga ng araw tong lalaking to.

     Dahil tuluyan na akong nagising, tumayo na ako. Dumiretso sa pinto at binuksan ito nang bahagya, sapat para makita sya at makita nya ang mukha ko.

     Binaba ni Zach ang kamay nyang walang tigil sa pagkatok at binigyan ako ng malapad na ngiti. Hindi katulad dati, mukhang matagal na syang gising bago pumunta dito. "Pasensya na ulit sa abala, Eros. Hindi pa rin kasi umaakyat yung tubig."

     "Paki-alam ko?" tugon ko.

     "Bibilisan ko na ang pagligo ngayon tsaka mas maaga na para hindi kita maabala," sagot ni Zach.

     Tinignan ko syang mabuti. "Sa tingin mo ba hindi mo ako naabala ngayon? Sinira mo tulog ko."

     "Kaya nga pasensya na," sabi ni Zach at tinaas ang kabilang kamay na ngayon ko lang napansin na may bitbit na supot. "At nagdala na rin ako ng almusal bilang peace offering."

     "May sarili akong pagkain dito," sagot ko at sinara ang pinto.

     Hinarang ni Zach ang paa nya kaya hindi ito lumapat sa pintuan. Kung hindi dahil sa tsinelas nya malamang nasaktan sya sa ginawa nya.

     "Eros naman, ayaw kong pumasok nang hindi nakakaligo, nakakahiya," dahilan ni Zach.

     "Wow, marunong ka palang mahiya."

     "Ikaw lang ang kilala ko dito," pagpapatuloy nya. "Nanghihingi na nga ng sorry, eh. Hindi ko na uulitin promise." Tinaas-taas ni Zach ang kilay. "Depende na lang kung gusto mo."

     Tinignan ko si Zach nang mata sa mata. Wala na akong ganang sagutin pa sya. Sayang lang ang galit ko sa lalaking to, ako lang ang nai-stress habang sya walang paki-alam. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakaporma na syang pumasok, bago ko pwersahang sinara.

     Di na nasalo ng tsinelas nya ang lakas kaya napilitan na syang bawiin ito kasabay ng pagsigaw dahil sa sakit at gulat.

     "Aray! Eros!" sigaw ni Zach sa kabilang parte ng pinto. "Ayan, kwits na tayo. Papasukin mo na ko!"

     "Umalis ka na!" sigaw ko. "Dun ka sa babae mo makiligo."

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon