Chapter 33

6.9K 209 8
                                    

ALTAIR

"Papa?"

Seryoso? Kaya pala kapangalan dahil siya pala. Aish! Papa! Nakakainis ka na.

Kumaway si papa sa aming mga studyante at todo ngiti. Parang nanalo sa isang competition at siya ang champion. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Ako naman, napakamot na lang ng ulo. Sino ba naman kasing anak ang hindi mapapakamot ng kanilang ulo kung sila ang nasa sitwasyon ko?

Nakakainis na si papa. Hindi niya ako sinabihan noon nung pumasok ako dito sa Elemental Gunji-teki Academy kung anong klaseng paaralan 'to. Tapos malalaman ko pa na isa siyang lieutenant. Talagang wala akong masabi ngayon.

May mga sinabi pa ang Commander ng Red Army kaso hindi na ako nakinig. Inaabangan ko na matapos lang siya para makausap ang papa ko. Itatanong ko lang naman sa kanya kung anong trip niya na kung bakit hindi niya sinabi sakin ang tungkol sa mga Elemental Army at sa totoong pagkatao niya---namin. Nagmukha pa tuloy akong ewan sa mga unang araw ko rito sa academy.

Sa dami ng sinabi ng commander ng Red Army, siguro mga 20 minutes ata ang itinagal, inaantok na ako rito kahit pa ako nakatayo. Inaantok talaga ako lalo na’t nakukulangan pa ako sa lakas ko ngayon. Pero natapos na rin sa wakas.

After sa mga commander, nagkaroon pa ng ilang speech si Ma’am Jacqueline. Hindi ako ulit nakinig. Si papa ang kailangan ko pakinggan ngayon. Hindi pwedeng hindi ko siya makakausap ngayong araw.

"Students, pwede na kayong makabalik sa inyong dorm," announce ng guro sa stage nang matapos na ang lahat. Kaya pagkarinig ko nun, dali-dali akong nakisiksik sa mga estudyante na palabas para makapunta malapit sa stage.

Ayaw ko man sa ganitong sitwasyon ngayon, kailangan kong makipagsiksikan at sumalungat sa agos ng karamihan.

Nang malapit na ako sa stage, medyo kumunti na lang ang mga studyante rito. Nananatili namang nasa stage ang mga commanders at nag-uusap-usap.

Wala na akong nakakabunggoan. Hinanap ng mga mata ko si papa at mabuti na lang at nandun pa siya sa may stage at pababa pa lang.

"Papa!" Tawag ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung marinig ako ng mga commander.

Agad namang lumingon si papa sakin. Tapos dali-dali siyang lumapit sakin.

"Altair! Kumusta ka na anak?" Tapos yinakap niya ako.

Kumalas muna ako sa pagkakayakap sa kanya bago magsalita. "Heto, nagmukang ewan dahil hindi niyo ako kwenentuhan tungkol sa paaralang ito," inip kong sabi.

Tinawanan lang ako ni papa. Aish! Yan ang isa sa mga nakakainis sa papa ko e.

"Pa! Kainis ka," dabog ko. Kaso hindi siya huminto sa pagtawa. Kaya napairap na lang ako.

"Hahaha. Hindi na. Pfft. Hahaha," hindi na niya napigilan pang tumawa ulit.

Napatampal na lang ako sa mukha ko. Wala pa ring pinagbago ang papa ko. Mukha paring baliw. Ang dali kasi siyang tumawa.

"Altair!" May tumawag sa pangalan ko kaya napalingon naman ako dun sa nagmamay ari ng boses.

Si... Sino ba to? Imperial. Tumatakbo siya tungo sakin.

Tumigil siya sa harapan ko at hinabol ang hininga niya. "Ako to. Si Lucas," pakilala niya at ngumiti.

Napatango naman ako. Tapos parang nakaramdam ako ng pagkadismaya. Hindi ko alam kung bakit.

Pero teka nga. "Diba nasa clinic ka pa dapat ngayon dahil nagpapagaling ka pa dahil sa likod mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Ginamot ako ng taga Medication Army kanina. Naawa kasi sa kalagayan ko."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon