Siete

183K 3.8K 60
                                    

Siete

Aura

Nagiikot ikot ako ngayon sa Vista Mall. Ang pinaka sikat na mall sa buong Pilipinas. Marami itong branches sa iba't ibang lugar. Malapit lang sa ospital ito kaya naisipan ko munang dumaan saglit. Namimiss ko na rin kasi pumunta ng mall.

Nandito ako ngayon sa loob ng isang store. Ang 'Old Things' tulad nga ng pangngalan niya, puro antique at vintage ang binibenta dito. Favorite ko kasi ang shop na ito. Mahilig ako sa mga vintage na bagay. Nagtitingin tingin ako ng may mahagip ang dalawang mata ko sa isang shelf.

Kinuha ko ito at namangha sa nakita ko. Isa sa mga dating version ng Beauty and the Beast na story book. Halata mong matagal na itong nairelease dahil sa itsura pero mukhang naalagaan naman ng todo todo. Nakangiti ko itong tinignan. Para na nga akong baliw dito. Nakalagay ito sa case para hindi madumihan o ano kaya hindi ko makita ang loob.

Tinignan ko yung presyo. Kung mura lang, bibilhin ko. Matagal na kasi ako naghahanap nito. Feeling ko bagong lagay lang ito dito sa store.

Pero nanlaki ang mata ko sa presyo nito. Nasa libo! Ang mahal para lang sa isang story book. Vintage kasi eh kaya mahal.

Nalungkot tuloy ako bigla. Sayang naman. Malamang wala na ito pag nakaipon na ako. Matagal pa yun eh. Dami kasing bayarin at gastusin ngayon kaya mukhang hindi ako makakapag ipon agad. Hay. Binalik ko na lang ang libro sa shelf at nakasibangot na lumabas ng store.

Bumili ako ng donuts para i-uwi kila Nanay. Tsaka nag grocery ako kaunti para may pagkain sa bahay. Tutal nakuha ko nanaman ang sweldo ko.

Si Abby ay libre na nagaaral sa isang special school. Kahit na may diperensya siya ay napaka talino niya kaya siya may scholar. Kaya masayang masaya kami ni Nanay.

Nagaantay ako ng masasakyan ng may biglang lumapit sa akin na isang lalaki. Mukha namang disente. Hindi siya mukhang holdaper o magnanakaw.

"Miss, pwede bang magtanong?" Sabi nito pagkalapit niya sa akin.

"Ano po 'yon, kuya?" Nakakunot noong kong tanong pabalik.

May nilabas siyang picture ng isang napaka gwapong lalaki at pinakita sa akin. Napapatitig ako saglit doon. Parang ang perfect ng itsura niya. Mapupungay na mata, mahabang mga pilikmata, mapupulang labi at mayroon itong biloy sa magkabilang pisngi. Nakasuot din ito ng three piece suit na kulay itim.

"May nakita ka bang lalaki na ganito ang itsura? May napadaan o nakilala ka ba?" Seryosong tanong niya.

Kinuha ko ang picture sa kanya at tinignan ulit. Iyong mata nito ay parang nangungusap. Parang nakita ko na ang mga matang ito. Napaka familiar pero parang imposibleng hindi ko matandaan ang napaka perfect na itsura nito kung hindi ko siya nakilala. Basta. Parang nakita ko na siya na parang hindi. Bakit ko ba iniistress ang sarili ko?

Tumingin ako sakanya at umiling. "Sorry po pero hindi eh."

Huminga ito ng malalim na parang nainis na nabigo nanaman siya. "Sige. Basta kung nakita mo siya o may kakilala ka na nakita siya, tawagan mo ako." Iniabot niya sa akin ang isang calling card. Tinanggap ko ito at tinignan.

Detective Rico Gonzales ang nakalagay na pangngalan dito. So detective pala siya? Alam ko na ngayon kung bakit. Nakalagay din ang numero nito dito.

"Miguel Matteo Buenavista ang pangngalan niya. Eto, iiwan ko na sayo ang picture niya para matandaan mo ang mukha niya in case na masalubong o makita mo siya tutal marami naman akong dalang ganyan." Aniya at binigay sa akin ang picture.

"Bakit po ako ang inapproach niyo, kuya?" Pagtataka ko. Kasi diba? Bakit naman siya magbibigay ng calling card sa akin.

Tumawa ito pero hindi abot sa tenga niya. "Nurse ka kasi. Baka kasi nagawi sa ospital niyo 'yan. Baka hindi mo lang siguro maalala o ano. Natagpuan kasi ang sasakyan niya na nasunog. Pero walang bakas ng katawan kaya malakas ang pakiramdam namin na buhay pa siya." Pagkwento niya.

Napatango nalang ako. Grabe naman ang nangyari sa taong ito. Asan na kaya siya? Wala naman akong matandaan na may lalaking ganyan ka gwapo na nagawi sa pinagtatrabahuhan ko.

"O, siya iha aalis na ako. At maghahanap hanap pa. Basta tawagan mo nalang ako pag may nabalitaan ka tungkol sa taong 'yan." Umalis na agad siya. Hindi niya na ako hinintay na magsalita pa. Excited umalis si kuya.

Nilagay ko ang picture at calling card sa loob ng bag ko at umuwi na.

Masaya naman sila Nanay sa dinala ko. Lalong lalo na si Abby. Pagkakain namin ng hapunan ay nauna na akong pumasok sa kwarto ko dahil gagawa pa ako ng medical chart na kailangan kong ipasa sa head nurse namin sa susunod na araw.

Nilabas ko lahat ng gamit ko mula sa bag ng may biglang nahulog sa may sahig. Pinulot ko ito at agad napagtanto na ito yung binigay nung detective kanina.

Hindi ko maiwasang wag mapatitig dun sa picture. Sobrang gwapo naman ng lalaking ito. Sana naman makita na siya. Pero super familiar talaga nito sa akin eh. Yung mga mata niya. Saan ko nga ba nakita ang mga iyon?

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon