[32] The Other Scene

879K 21.7K 2.8K
                                    

CHAPTER 32: THE OTHER SCENE

CHLOE’S POV

I have witnessed the scene at the cafeteria. Gravehan si Gail! That’s my bestfriend. A fighter. Pero napansin ko lang ha? Based on my observations,parang may hidden desire itong si uhmm.. Kurt ba yun? Hindi na ata ito hidden eh, mukhang obvious naman. Tsk! Ang haba ng hairlalu ni Gail. :”> Sige! Siya na. Sa kanya na ang korona!

Matawagan nga si Gail para kamustahin siya. Hindi ko na kasi alam kung saan siya nagpunta pagkatapos ng scene nay un.

[“Hello,Chloe.. anung meron? Nasaksihan mo siguro yung scene noh?”]

“Oo, congrats!! Hahaha! You’re now a big girl. Lumabas din ang mean side mo.”

[“Hahaha! That’s what I learned from you! Osya. I’ll hang up na huh? May pupuntahan pa kami ni Nathan.”]

“Saan?”

[“Sa mall, ditch classes kasi nakakahiya yung nangyari kanina. Sige bye na mwahh!”]

“Sige ingat!” And then she hung up.

Oohh! Dumadamoves si Nathan babe! Hahahaha! Pero support ko nalang siya!

Anyway, wala na akong class to attend today so I’m free to do whatever I want. Wala namang homeworks or quizzes at kung anong ka-chorvahan pa. Kaya naman andito ako nakatambay sa paborito kong upuan, ang benches sa hallway.

Nagbabasa lang ako ng libro habang naghihintay ng oras.

Speaking of books. Hindi pa rin ako maka-get over dun sa THE ABBEY na inagaw ni Mr. Cold guy. Hindi kaya ako nakatulog nun. Alam niyo yung feeling na hawak mo na, tapos nakawala pa? Tsk! Ang saklap ng feeling na iyon >___<

“Grabe, ang lakas ng loob ng bumangga sa X10 no’? Ano bang pangalan nun?”

“I’ve heard, her name is Gail.”

“Ow, whatever. I don’t give a d-mn who she is. Nakakahiya siya! X10 pa talaga ang binangga niya ah. Tss. Squatter girl nga!”

 

Namimintig ang two cute ears ko. Grr! Are they really talking about my bestfriend? Squatter daw siya?? Hello?! Hindi ba nila alam na rich kids ang mga bestfriends ko?! May listahan sila ng kumpanya.

Tumingin ako sa dalawang babaeng echoseras. Nasa kabilang bench lang sila, the one on my left side. Mga nag-reretouch ng mga mukha nila. Relax, Chloe! Wag mo silang pag-aksayahan ng oras. Bumalik ka nalang sa pagbabasa ng book.

 

“She’s a really a loser. Walang breeding.”

“Yeah, pero Isabelle.”

“It’s Belle.”

“Sorry, Belle. Ahh, I heard binigyan daw sila ng privilege na makapasok sa rooftop ng X10. Diba restricted yun?”

“That’s impossible! Baka naman she seduced one of the X10 members so that she can invade their territory anytime. What do you think?”

“Why not? Maybe Kurt likes her. Ayos nab a ang make up ko?”

“Err… Put some blush on. Ang pale mo eh. Anyway, back to the topic, that’s impossible! Kurt doesn’t like such kind of girl! Walang taste.”

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon