Chapter 243

689K 23.9K 7K
                                    

A/N: Pinapahirapan pa rin ako ng Astigmatism ko. Kahit panonood ng TV nahihilo ako. Hindi rin ako makaharap ng maayos sa phone.

Unsatisfied talaga ako sa part ni Aries. Parang may kulang. Sa mga naghahanap kay Keifer, busy! Hahahahahahahaha... Malapit na. Kaunting tiis.

Connection is too slow. No dedication for this and next chapters.

Basement

Aries's POV

*ContinuationOfFlashback...*

"Aries..." Pabulong na tawag sakin ni Jay-jay.

Dinilat ko ang mga mata ko pero sobrang dilim at wala akong makita. Malamig ang likod ko at dun ko lang napagtanto na nakahiga ako sa sahig. Unti-unti akong bumangon.

"Jay... Asan ka?"

May humawak sakin sa braso. "Aries."

Alam kong sya yon. Kinuha ko ang kamay nya at hinatak sya palapit sakin. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Nasan tayo?" Nanginginig ang boses nya. "Saan tayo dinala nung mga lalaki?"

Wala na kong masyadong maalala sa nangyari. Dahil sa pagwawala ko kanina pinatulog nila ko gamit ang panyo na may kakaibang amoy. Hindi ko nga lang alam kung anong ginawa nila kay Jay-jay.

"Sinaktan ka ba nila?"

"H-hindi..."

Natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari samin. Ramdam ko din na ganun si Jay pero pilit nyang tinitibayan ang sarili.

Sobrang tahimik at tanging paghinga lang namin ang naririnig ko. Idagdag pa ang malakas ng tibok ng puso ko. Para akong mawawala sa sarili dahil sa lugar na to.


























"May bintana." Sabi ni Jay-jay.

Tinignan ko ang tinuro nya. Meron ngang maliit na bintana pero masyadong mataas. Halos nakadikit na sa kisame.

Dahil din sa bintana na yon kaya may pumasok na liwanag sa loob. Umaga na at don lang din naging malinaw kung nasan kami.

Kamuka ito ng basement namin sa bahay. Tambak ang mga gamit, merong sofa set na mukang matanda pa sakin. May mga kahon ng damit at kung anong gamit. Whole body mirror at lumang tv na mukang hindi naman gumagana.

"Abot mo ba?" Tanong nya sakin.

Sinubukan kong sumampa sa mga kahon para abutin pero nakarinig kami ng maingay na bakal. Sinundan yon ng yabag at tunog ng susi.

Dali-dali akong bumaba at lumapit kay Jay. Tinago ko sya sa likod ko at hinintay yung kung sino mang papasok sa loob.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang lalaking sumusunod sakin. Meron syang dalang tray na puno ng pagkain at isang galon ng tubig.

"Pagkain nyo." Sabi nya bago isara ang pinto sa likod nya.

Nilapag nya yon sa ibabaw ng lumang coffee table at naupo sya sa sofa sabay taas ng paa. Pasimple nyang tinuro yung tabi nya para paupuin kami.

"Upo na... Kumain na kayo." Walang gana nyang sabi.

"Sino ka ba?" Tanong ko.

Bahagya syang ngumiti at pasimpleng tinuro ang salamin. Hindi ko maintindihan. Anung meron sa salamin?

"Bakit hindi mo tignan?" Sabi nya.

Nagtinginan kami ni Jay-jay pero bago pa man ako makahakbang meron na syang binulong na nagpatigil sakin.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon