Tips for High School Girl Students

36 4 1
                                        


Tips for all High School girls out there

1. Icherish niyo yung mga araw na may time pa kayo para matulog.

2. Hindi lang siya ang lalake sa mundo.

3. Makinig ka sa lessons niyo dahil majority nang matututunan mo, ituturo lang ulit sa inyo sa college.

4. Hindi tama yang pag lalaslas sabay selfie at ipost sa FB.

5. Mag-paganda ka sa prom night, mamimiss mo 'yan sa college.

6. 'Wag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw naman sa 'yo.

7. Marami ka pang makikilalang bagong kaibigan at mas better kesa sa kanila.

8. 'Wag kang pala-sagot sa nanay at tatay mo para lang ipaglaban ang gusto mo.

9. Hindi porket sikat siya sa school niyo, mabuting lalaki na siya para sayo.

10. Pag-isipan niyo na ngayon pa lang kung anong career ang gusto niyo in the future. Wag kayong tumulad sa akin na naka-ilang lipat na ng course. lol.

11. Kapag ramdam mo nang hindi na nakakabuti sayo ang sumama sa kanila, kumalas ka na.

12. Okay lang magkacrush, pero make sure na hindi siya makakaapekto sa pag-aaral mo.

13. Hindi nakakababa ng pagkatao ang pagiging virgin.

14. Hindi nakaka-cool ang pagkakaroon ng masamang bisyo.

15. Nakakainis yung sobra ka nilang kontrolin, oo. Palagi kang pinagagalitan, hindi pinapayagan. Pero pag tanda mo, marerealize mo na para sayo rin lahat nang 'yan.

16. Do not let their words make you feel bad about yourself.

17. Hindi mo kailangang iplease lahat ng tao.

18. YOU.ARE.BEAUTIFUL

Enjoy being young and embrace your innocence. Don't rush things. Wag kayong mag-madaling tumanda, huwag niyong hilingin na bumilis ang panahon. Hindi niyo alam kung ano ang hinihiling niyo. Ienjoy niyo yang mga araw na wala pa kayong iniisip na responsibilities. Minsan lang maging bata kaya enjoyin niyo lang. :)

Credits to the owner

Hashtag HUGOT ( Random • Completed • 2016 )Where stories live. Discover now