Chapter One

71.2K 856 34
                                    

Violence and harsh words ahead, so please skip nalang this chapter

MSW#1

NAPAIGIK siya nang dalawang malalakas na sampal ang magkakasunod na tumama sa kanyang pisngi, dahilan na muntik pa siyang mahulog sa silyang kinauupuan kung hindi lang siya kaagad nakahawak sa gilid ng mesa.

"Ahh! Andrew ta----ma----na. Ma--awa ka nasasaktan a---ako." Pakiusap niya sa asawa nang pilipitin nito ang kaliwang braso niya sabay sabunot sa kanyang buhok. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya.

"Talagang masasaktan ka sa akin, babae ka!" muling napaigik siya nang walang awang itinulak siya nito at bumangga ang likuran niya sa malamig na pader. Pakiramdam niya ay parang humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan.

"'Di ba ang sabi ko sa'yo ay h'wag na h'wag kang aalis ng bahay! Pero tang 'na ka! Sinagad mo ang pasensiya ko at talagang nagpunta ka pa sa opisina at nagdala ka pa ng basura!"

"Ahhh!" Napahiyaw siya nang walang pagdadalawang isip nitong hinagis sa pagmumukha niya ang tupperware na may laman pang pagkain.

Nagkalat ang pagkain sa mukha niya. At nagpapasalamat siya at hindi na iyon mainit dahil kapag nagkataon ay malalapnos ang balat niya sa mukha.

"Sorry...t-tumawag-----ahh!" Napahiyaw ulit siya ng hawakan nito ang kanyang leeg at sinakal siya. She was choking to death pero wala itong pakialam. Itinaas niya ang kanyang mga kamay para hawakan ang kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa kanyang leeg at pigilan itong sakalin siya.

Pero anong magagawa niya? He's so angry at her that he forgot that she's still his wife. He forgot that if she died he will be in jail. Halos ipikit na niya ang mga mata at handa ng tanggapin ang kanyang kamatayan nang bitawan siya nito.

Lord, thank you. Utas ng kanyang isip. Kahit kailan hindi niya pinangarap na mamamatay dahil kay Andrew. Hindi sa ayaw niyang mamamatay pero h'wag naman sa kamay ng asawa niya. Sobra niya itong mahal at ayaw naman niya na humantong sa ganito ang lahat.

"Next time, h'wag na h'wag mo na akong susubukan at baka mapatay na talaga kita!" Anito at mariing dinuro ang sentido niya.

Hindi naman talaga siya pupunta ng opisina nito kung hindi lang tumawag sa kanya si Alex, ang Executive Assistant nito, at sinabi nitong hindi pa raw kumakain ng tanghalian si Andrew.

Nag-aalala lang naman siya dahil hindi rin ito kumain kaninang umaga ng almusal na inihanda nya. Kahit na galit ito sa kanya at ayaw siya nitong makita ay ipinagluluto parin niya ito at kinakain rin naman nito iyon. Pero kanina ay hindi man lang ito nag-abalang tikman man lang ang hinanda niyang almusal para dito.

Bago pa man siya nakapagsalita ay marahas na siya nitong nahablot. Pinatalikod siya nito at itinulak padapa sa ibabaw ng mesa.

"A-Andrew please h-h'wag..." nanghihinang pakiusap niya rito nang wasakin nito ang kanyang suot na damit. Ngunit tila ito walang narinig at bingi sa mga pakiusap niya.

At nang sunggaban siya nito ng halik ay hindi siya kaagad nakakilos, hindi sa first time niya ito dahil halos araw-arawin siya sa pagpapasasa nito.

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. Natatakot kasi siya sa maaaring gawin nito sa kanya. Pero ano ba ang kaya niyang gawin? Isa lang siyang babae na walang kakayahang lumaban at ipagtanggol ang sarili laban sa pananakit nito sa kanya.

Gustung-gusto nang sumuko ang katawan niya pero kabaliktaran naman ng puso niya.

Mahal niya ito kahit sobrang sakit na. Pero kung susuko siya, paano na ito? Hindi niya kayang nakikita ito na naghihirap. Kaya hangga't hindi pa siya makahanap ng paraan para maprotektahan ito laban sa madrasta at kinakapatid niya ay hindi muna siya susuko.

Kakayanin pa niya.

Napapikit nalang siya ng maglakbay ang mga kamay nito sa buo niyang katawan, kasabay niyon ang pagdaloy ng isang alaala sa nakaraan kung bakit humantong sila sa ganitong sitwasyon.

Kung bakit naging ganito ang nangyari...








😆😆😆😆

A/N: Just feel free to comment and if you feel to vote then you're very much free to hit the star.

Thanks, guys, enjoy reading.😉

Del Rio's Selfless Wife (Preview )Where stories live. Discover now