5 : Menace

919K 37.1K 18.3K
                                    

5. 

Menace

Agatha's Point of View


"Cooper parang awa mo na! Katorse anyos lang ako, ayoko pang mamatay! Paralisado ang mga paa ko! Hindi ka ba naawa sa akin?!" Iyak ni Javi habang tinutulak ni Cooper ang wheel chair niya papunta sa dulo ng floor kung saan naroroon ang kwarto ni Reema.


"Oo nga naman Cooper! Kawawa naman si Javi!" Giit ko nalang rin habang sumusunod sa kanila. Nakakaawa si Javi kasi mamutla-mutla na siya.


 Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Javi, it sucks to be wheelchair-bound forever. Napag-alaman kong nasangkot pala sa isang aksidente si Javi noong bata pa kaya naman naging paralisado na ang mga paa niya at kaya siya nandito sa ospital ay para mag undergo ng physical theraphy araw-araw. Ang hirap siguro sa pakiramdam na hindi makatayo o makapaglakad kahit na may mga paa ka.


"Kasalanan mo to eh! Bat ka kasi gumising!" Reklamo ni Javi kaya agad akong napangiwi.


Lokong batang 'to at talagang sinisi pa ako!


"Cooper bilis! Ihatid mo na 'yan sa kwarto ni Reema!" Giit ko kaya naman agad na nag-thumbs up si Cooper sa akin si Cooper at ngumiti. Kakaiba rin kung ngumiti si Cooper, bungisngis na nga, kinakagat pa ang ibabang labi. Walang ano-anoy bigla na lamang siyang tumakbo habang tinutulak parin si Javi.


"Waaaaag! Agatha joke lang! Agatha parang awa mo na biro lang!" Sigaw ng sigaw si Javi. Ewan ko ba pero imbes na maawa eh natawa lang ako sa mukha niya--para kasing batang nagwawala, ang cute!


Huminto kami sa harapan ng pinto ng kwarto ni Reema.


"This it it javi. Time to man-up." Mahinang sambit ni Cooper sabay tapik sa balikat ni Javi kaya napalunok na lamang ito at napa sign of the cross.


"Hoy kayong tatlo anong ginagawa niyo diyan?!" Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Kuya Leo. May dala-dala siyang mga kahon ng Pizza kaya dali-dali kaming nagtakbuhan papalapit sa kanya--well hindi kami lahat tumakbo since naka-wheelchair si Javi.


"Cooper kung may binabalak kang kalokohan, wag mo munang isangkot si Reema. Nandiyan ang mga magulang niya sa loob." Sabi pa ni Kuya Leo kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Cooper at tumango-tango na lamang siya.


"Strict ba ang pamilya niya?" Tanong ko.


"Reema is a troubled girl. They need the privacy. Tara sa kwarto ni Javi." Tipid na sagot ni Kuya Leo. Siguro ayaw na niyang pag-usapan pa ang sitwasyon ni Reema. Its obvious that Reema is a troubled girl though. I just hope she feels better soon.


Naglalakad kami papunta sa kwarto ni Javi nang maalala kong hindi pa pala ako naliligo kaya naman nagpaalam muna ako sila na pupunta muna ako sa kwarto ko at susunod nalang.


                   *****


Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon