Chapter 49

1.8K 79 70
                                    


Chapter 49 - Pretend

Soundtrack: If You cover by Jeon Jungkook


"Andrea June, your palm! Careful!"

Hindi ko pinansin si Jacin. Piano ko pa rin ang bola. Hindi iyon inasahan ng mga kalaban namin kaya nakapuntos kami. Kahit papaano, masasabi kong nakakasabay naman ako sa magaling kong teammate at kalaban.

Hindi lang naman ako ang palo ng palo sa game. Si Jacin din, na akala mo puputok ang bola kapag pumalo na siya. Pinapaluan din kami nila Kyla pero nasasalag ito ni Jacin at naisasalba. Malalakas din ang mga palo nila kaya kahit nasasalag 'yon ni Jacin, masakit pa rin ang mga 'yon. Siguradong mapuno ng pasa ang katawan niya mamaya.

Natahimik ang mga classmate ko na sinabihan akong Superweak kanina dahil malakas ang naging pagtira ko.

Hinarap ko sila at nginitian ng matamis.

Natalo kami ni Jacin sa unang set pero nakabawi rin sa pangalawa. At ngayon sa third set, dikit ang scores namin. 17-19, kami ang lamang.

Pare-pareho na kaming pinagpapawisan at hinihingal. Pero sobrang na-e-enjoy ko ang laro. Kung alam ko lang na ganito pala kasaya ang ka-exciting ang pakiramdam, matagal ko na sanang sinubukang maglaro ng volleyball.

"How many times do I have to tell you to be careful? I didn't put bandage on your hands para pumalo ka ng pumalo!" sermon sa'kin ni Jacin matapos tumawag ng time-out ang kalabang team. Salubong na salubong ang kilay niya at halatang galit, pero kitang-kita pa rin ang pag-aalala sa pawisan pero napakagwapo pa rin niyang mukha.

"Ayos lang ako." depensa ko.

"For now. Kasi hindi pa nagdudugo." madiing sabi niya. Aabutin niya sana ang kamay ko pero iniwas ko ito.

"I can handle."

"Fine." he breathes out an exasperated sigh, "Just... don't get hurt."

Gusto ko siyang tanungin kung bakit pa siya nag-aalala, pero hindi ko sigurado kung gusto kong marinig ang sagot.

Pumito si Sir Venegas and the game continues.


Hindi ko mapaniwalaan noong una, pero nanalo pala talaga kami. Akala ko may isang set pa, pero panalo na talaga kami. Sa gulat ko nakipag-high five sa'kin si Kyla at niyaya akong mag-tryout sa volleyball team.

"You're cool! You can be our secret weapon! Kung sino man ang tumatawag sayo ng Superweak, they should rot in hell."

"I agree." sabi naman ni Ron sa tabi ni Kyla. "If they don't, they should really go to hell."

"I agree." Panggagaya ko pa kay Ron.

"I agree too." seryosong sabi ni Jacin sa tabi ko. Hindi ko tuloy alam kung nabibiro siya o hindi.

"I agree three?" tinaas pa ni Kyla ng bahagya ang kamay niya.

Kumunot ang noo ni Ron, "Bakit may dugo sa kamay mo?"

Napakunot din ang noo ni Kyla, tiningnan ang kamay niya bago tumingin sa'kin. Ako naman ang napatingin sa mga kamay ko.

My palms are bleeding. Ang mga patuyong sugat, bumuka ulit. Nag-high five kami kanina... kaya nalagyan si Kyla ng dugo.

"Tsk, anong sabi ko sa'yo? They might open again! Now they did!" sermon na naman ni Jacin sa'kin.

Hinarap ko siya at tinapatan ang paraan ng pagtingin niya. "Ano din ang sabi ko sayo? Ayos lang ako."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon