[61] It's the same old feeling back again.

2.8K 72 30
                                    

A/N: Intindihin niyo muna si Lewis ngayon ha. He'll fix this soon. Sa #TeamCelSa (okay ang corny ng name nila, any suggestion) THIS IS IT. Hart hart (^.^)

xxx

Chapter Sixty One

NORMAL POV

Nang makita nitong nagmamadaling lumabas si Lewis ng Sweets and Cups Cafe, he didn’t think twice. Sinundan niya ito. He’s damn furious at kilalang kilala na niya si Lewis. Hindi ito nag-iisip kapag nauuna ang galit kaya madalas, padalos-dalos ito sa mga desisyon niya.

That’s the reason why he confessed to Aicel. Nadala lang siya ng galit niya kay Sage.

“LEWIS!” He shouted.

Hinarap siya nito. “Mamaya na tayo mag—”

*BOOOOGSH!*

Napaupo si Lewis sa lakas ng suntok niya. Hindi niya inaasahan ito. Naramdaman na lang niya na dumugo ang gilid ng labi niya dahil sa suntok na iyon.

Natawa ito ng mahina. “Guess I deserved that punch.”

“Para matauhan ka naman, pre.” Kalmadong sabi nito.

Nagulo na lang ni Lewis ang buhok sa sobrang inis—inis sa sarili niya. He’s so frustrated. Gusto niya ulit magpasuntok dito. Gusto niyang saktan ang sarili niya.

“Nakakainis! Nakakainis!” Nakaupo pa rin ito sa sahig, ginugulo ang buhok sa sobrang inis niya.

Umupo ito sa tabi ni Lewis. Dalawa na tuloy silang nakaupo sa sahig. Some are watching them but they didn’t mind. “Why did you give up on her? You should’ve hold on, Lewis.”

“T*ngina. Dapat alam mo kung kailan ka dapat kumakapit at bumibitaw. Hindi naman kasi lahat ng minamahal dapat ipaglaban. Dahil minsan, yung inaakala mong masaya sayo, mas sasaya pala kapag pinalaya mo.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

“Masaya ba siya?” Pen asked looking straight on Lewis’ eyes.

He didn’t answer. Masaya nga ba si Patch sa ginawa niya? Kasi kung siya ang tatanungin, hindi siya masaya sa ginawa niyang pagbitaw dito.

“I did that for her. Kahit nga hindi pa kami, nasasaktan na siya sa akin e.”

“Ang tinatanong ko, masaya ba siya?” Seryoso ang tono ni Pen kaya’t hindi na lang muna siya sumagot. “Kasi sa nakikita ko..You, Patch, Aicel and Sage, You’re all hurting.”

Lewis kept silent.

“At alam mo ba kung bakit kayo nasasaktan lahat?” He paused for a second. “Dahil sa ginawa mo. If you just let Patch tell you what she really feels edi sana hindi kayo ganitong ka-gulo. At isa pa, hindi naman niya hiniling na bitawan mo siya, diba? Lewis, alam mong may gusto si Sage kay Aicel. Pero dahil sa galit mo kay Sage because he’s Patricia’s crying shoulder, hindi mo inisip ang mga naging desisyon mo.”

“I’m a mess.” Lewis muttered.

“Fix this before it’s too late. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. At huwag mong bitawan kung hindi mo siya kayang makitang hawak ng iba.”

Pen was referring to Aicel and Patch. Sana lang maintindihan ni Lewis yon.

Tumayo na ito at pinagpagan ang pantalon. He was about to leave nang may makalimutan siyang sabihin kay Lewis. “Bago mo siya pakawalan, siguraduhin mong wala ka ng nararamdaman. Dahil wala ng mas sasakit pa sa sariling katangahan.”

Oo, tanga. Tanga nga siya dahil sa mga naging desisyon niya. Ano ba ang dapat niyang gawin? Tama si Pen e. Mahal pa niya si Patch at hindi niya kayang makita itong hawak ng iba. Pero paano si Aicel? Sasabihin ba niya dito kung ano ang totoo niyang nararamdaman? Ano ba talaga ang tama? Ugh. Nakakasakit ng ulo!

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon