Abala ang lahat sa pagpeprepare para sa kasal ni Nadine at Victor. Nagsidatingan narin ang ibang relatives ng Howell na galing pa sa London. May mga relatives din akong na meet sa side ni Mommy Clara na bumisita sa kanila a few days ago lang. Ngayong araw naman ang dating ni Dad. Char!
"Love maligo ka na. Maya maya darating na si Daddy."
"Dapat ba talagang maligo? Tinatamad ako." alam niyo naman pag buntis.
"Oo naman—unless gusto mong makita ka ni Dad na ganyan?"
"Bakit ano bang itsura ko?" tumingin ako sa salamin. Okay naman 'tong floral shorts na di garter at black spaghetti sando plus naka-bun na buhok ko—para akong maglalaba.
"Anong nakita mo?" tanong niya ulit.
"Diwata! Oo na. Maya maya maliligo na ako." pagkatapos ay naglakad ako papuntang kusina para humanap ng makakain.
"Bawal junk food!" sigaw ni Rhian.
"Yes Doc!" ang dami kasing pinagbawal na food sa akin ni Doc nung nagpacheck up ako. May iba naman pwede pero patikim tikim lang. Kaya kahit minsan gustong gusto ko ng matamis o maalat o spicy, bantay sarado si Rhian kaya hindi ako makapuslit. At para narin kay baby. Oo nga pala, it's a baby boy. Kaya ngayon palang, tinatawag ko na siyang baby Ernie tuwing kinakausap ko siya.
Pumunta agad kami sa tapat na bahay nang magtext si Nadine na dumating na daw si Daddy Gareth.
"Dad!!! I missed you!" mahigpit na yakap ni Rhian sa ama nito.
"I missed you too baby."
Nakatingin lang ako sa kanila. Nahihiya parin talaga ako sa Daddy ni Rhian.
"But it looks like Engr. Glaiza didn't miss her father-in-law." nakangiting sabi nito.
"Dad, you know my wife is a shy lady."
"Just kidding!"
"Balae!" natigil kami bigla ng marinig ko si Nanay.
"Balae!" slang na sagot ni Daddy Gareth.
"Oh my God balae, you look so handsome ngayon ha?"
"Really? Thank you!"
"Sure thing balae. Compliment back please."
"Nay!" saway ko dito. Pero gusto ko rin matawa. Parang pinaghandaan niya 'to.
"Joke joke joke!" bawi niya.
"Nah you look good too, Cristy!"
"Thank you, Gareth." bungisngis si Nanay.
Pagkatapos ng kumustahan, sabay sabay narin kaming kumain sa bahay kasama ang iba pang Howell. Excited silang lahat sa baby boy namin ni Rhian. Tinatanong na nga nila kung kelan namin planong sundan. Hindi pa nga lumalabas eh. Gusto ko nalang mapakamot ng ulo kasi hindi naman yun basta basta. Pagiipunan pa namin ulit yun.
Umuwi ulit kami ng bahay dahil nakaramdam na rin ako ng pagod.
"Love, sa tingin mo wala ng chance si Mommy at Daddy mo?" out of nowhere kung tanong habang nakahiga. Ewan!
"Ba't mo naman natanong yan? May sariling family na si Dad."
"Oo nga pero hindi ka ba nalulungkot o nanghihinayang?"
"Syempre before nung bago palang silang hiwalay, pero ngayon, they are both happy so there's no reason to be sad. Bakit mo ba natanong?"
"Wala naman. Ano ba 'tong boobs ko ang kati."
ESTÁS LEYENDO
E V R Y W M N N T H W R L D: The Return Of The Comeback
FanfictionRead the first book first, before you read this one. Disclaimer: This is purely fictional and a product of my cat's imagination. Read at your own risk.
