035

642 18 5
                                    

05:58 am

Dino aegi: seener.

Elysian: :p

Dino aegi: ako palang ang tao dito :(

Elysian: excited pumasok :p

Dino aegi: meron na palang tao

Elysian: at di ikaw yun. Hayop ka eh :p

Dino aegi: gAGO

Elysian: HAHAHAHAHAHA

Dino aegi: ikaw ba to? ay besprend mo ata

Elysian: ha?

Dino aegi: yung naka-pink sweater at naka-ripped jeans?

Elysian: :|

Dino aegi: may hawak na cp at paling-linga. Ikaw ba to o besprend mo, nakamask eh.

Elysian: gAGO

Dino aegi: wAO DI SIYA NAKA-MANANG NGAYON HAHAHAHAHAHA

Elysian: tangina mo :(

Dino aegi: pansin ko kasi palagi siyang naka-malaking tshirt at nakapantalon

Dino aegi: mukha siyang mamamalengke pag nakaganon ka

Dino aegi: pangmatanda pa minsan yung suot niyang blouse HAHAHAHA

Elysian: NILALAIT MO BA BESPREND KO?!

Dino aegi: maybe ┐('~' )┌

Elysian: leche

Elysian: kanina pa daw siya jan pakyu

Dino aegi: Earlysian :p

Dino aegi: HHAHAHAHAHA

Elysian: tangina mo bakit pangalan ko ginamit mo

Dino aegi: HAHAHAHAHAHA

Elysian: -_-

Dino aegi: pupunta ako sakanya

Elysian: gAGO WAG DAW

Elysian: DI KA DAW NIYA MAKITA POTA

Dino aegi: behind her :p

"Peek-a-boo!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.

Teka putangina dapat di niya makita yung mukha ko

"Ang aga mo besprend ni ely! Hahahaha" natatawa niyang sabi pero nakatalikod parin ako sakanya. Malakas din ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako. "Hoy! Humarap ka naman dito! Tsaka magsalita ka naman" sabi niya at feeling ko nakapout siya. "Besprend ni ely" tawag niya sakin kaya napataas ang balahibo ko.

Ely hingang malalim. Bawal pa mamatay, may pangarap ka pa sa buhay.

"Oh?" Tanong ko at humarap sakanya.

"Bakit ba nakamask ka ng buong mukha? Kainis gusto ko makita yung mukha mo" nagtatampong sabi niya. Eto ba talaga si lee chan?!

"Kingina dun ka nga! Di tayo close! Kayo ni ely yung close at di ako!" inis kong sabi sakanya. Di naman talaga ako naiinis, nagkukunwari lang. Naiilang kasi ako.

"Sus edi ikaw ang icoclose konatatawa niyang sabi at umakbay sakin.

"Tatanggalin mo yan o susuntukin kita?" Pagbabanta ko. Bigla naman niyang tinanggal yung braso niya sa balikat ko, natakot ata.

"Grabe masakit pa nga yung mukha ko dahil sa pagbato sakin ni kwan ng libro tapos dadagdag ka pa" sabi niya at hinawakan ang mukha niya. Inirapan ko nalang siya pero natatawa ako. Iniimagine ko kasi haha.

"Yow bitches!" Napatingin kaming dalawa kay kwan. Ay taray ang aga. "Oh my ghad nag-uusap kayong dalawa!" Gulat niyang sabi at napahawak pa sa bunganga. Leche ang oa nito.

"Gago" tangi kong nasabi.

"Oa mo" sabi ni chan at humikab. Cute.

"Si seokmin at soonyoung?" Tanong ko.

"Kumakain pa" sabi niya at napasimangot. "Di nila ako hinatian sa pagkain punyeta mabulunan sana sila" gigil niyang sabi.

"Diet diet din daw pag may time" sabi ko habang natatawa.

"Pero ely bakit alam na ni chan na ikaw yung kachat niya?" Bulong sakin ni kwan.

"Hindi! Sinabi ko na ako yung besprend ni ely" bulong ko din.

"Kung magbubulungan kayo, dapat yung hindi ko rinig, lalo na't pag ako yung topic niyo" inaantok na sabi ni chan.

"Pero alam niya ba yung pangala—" naputol ang sasabihin ni kwan ng biglang may tumawag sakin.

"Alysia! Tawag ka ni jeonghan" sabi ng kaklase ko, nanlaki naman ang mata ko.

Puta. Nalaman na ni chan yung pangalan ko.

Poser? | DinoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora