Shoot 32 "Interview"

61.1K 3.1K 1.5K
                                    

"If they asked you why you wanted to work here at Stargame, anong isasagot mo?" Raydin asked me habang nandito kaming dalawa sa lobby ng kanilang kumpanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"If they asked you why you wanted to work here at Stargame, anong isasagot mo?" Raydin asked me habang nandito kaming dalawa sa lobby ng kanilang kumpanya. Madami-dami ring i-interview-hin ngayon kung kaya't nasa lobby ako para maghintay.

Other applicants are all gazing at Raydin. He's wearing suits dahil nga nagtatrabaho siya rito.

"Alam mo, paulit-ulit ka. Kanina ka pa tanong nang tanong tungkol diyan. Alam ko ang isasagot ko, okay?" Iritable kong sabi sa kanya.

"Baka kasi magkamali ka. Tanga ka pa naman." Pinamilugan ko siya ng mata pero imbes na masindak ay mas lalo pang natuwa si Raydin..

"Alam mo, ang yabang mo. Kung hindi man ako matanggap dito, marami pang ibang gaming companies na pwedeng subukan." Sabi ko, hindi naman sarado ang isip ko sa pag-a-apply sa ibang kumpanya. Sabi nga nila, apply lang nang apply para tumaas ang chance ng winning.

"They are just a trashy companies. Our company is the best pagdating sa paggawa ng games." Sabi niya sa akin.

"Ha! Ang yabang talaga," may nakita akong chess board sa ilalim ng table at kinuha ko ito. "Laro na lang tayo. The one who will lose, manlilibre ng pagkain after the interview." Sabi ko sa kanya. Mukha kasi na matagal pa ang turn ko sa interview so kailangan ko ng pamatay ng oras.

"Sir pinapatawag po kay--" hindi na naituloy nung babae yung kanyang sinasabi nung tiningnan siya ni Raydin. Inipit niya ang kanyang labi at naglakad na paalis.

"Baka may gagawin ka pa," sabi ko sa kanya.

"Wala. They will just ask something, alam naman na nila 'yon." Sagot ni Raydin at nagsimula na siyang ayusin ang bawat chess piece. "Let's start."

"Pwede ka pang umatras, Raydin. Umabot ako hanggang nationals sa chess nung elementary ako." Pagbabanta ko sa kanya at umayos ng pagkakaupo.

He just smirked and itinaas hanggang siko niya ang sleeves na kanyang suot. Akala yata niya ay pagbibigyan ko siya sa pagkakataong ito. Patay sa akin 'tong mayabang na 'to.

***

"Check mate," Raydin said as he move the queen.

Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa nangyari. "We're doing this for the fourth time, Dani. Ni-isang beses ay hindi ka nanalo." Nakangisi niyang sabi sa akin. How can he possibly do it?! I mean, In just 8-12 moves ay na-checkmate niya agad ako.

"Nanduga ka 'no!?" Reklamo ko.

"How can I possibly cheat? Nakita mo naman lahat ng moves ko." Hindi mawala-wala ang ngisi sa mukha ni Raydin. Natalo na niya naman ako... Sa hindi ko mabilang na pagkakataon.

Alam ko naman sa sarili ko na magaling ako pero pagdating kay Raydin ay parati akong talo. As in never pa akong nanalo sa kanya, he's talented, alam niya 'yon... Pinagmamayabang nga ng hayop e. "So after the interview, you need to treat me." Sabi niya.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon