Chapter 38

7K 187 6
                                    

ALTAIR


Nagpaalam na ako kina Eunice, Lucas at Lucius.

Pumila na ako dun sa mga kaklase at kadivision para makaalis na.

Habang papalapit sa gate ng academy at papalayo kina Eunice, hindi ko maiwasang mapangiti. Bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila, liningon ko sila at kumaway. Kinawayan din nila ako maliban kay Lucius na umiwas ng tingin sa akin.

Pagkatapos, tumalikod na ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng academy.

Magaan na ang aking loob ngayon dahil bati na kami ni Lucius. Kahit parang nagsusungit pa rin---ah. Palagi naman ganiyan yang asal niya sa akin.

LUCAS

Tuluyan ng nakalayo si Altair sa amin. Masaya ako dahil masaya ngayon si Altair.

Nilingon ko si Lucius na nasa tabi ko lang. Nakatingin din pala siya sakin.

Nag-thumbs up ako sa kaniya.

Inirapan niya lang ako. "Mauna na ako," paalam niya at naglakad na palayo.

Kami na lang ni Eunice ang natira rito. Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa kung saan palabas na ang grupo nila Altair at napabuntonghinga.

Napangiti ako. “Ayos lang yan, Eunice. Babalik din ang lahat dito sa academy once na maayos na.”

Nilingon niya ako. “Matatagalan pa siguro no?”

“Depende. Elemental Army ang kikilos sa pag-ayos dito. Malay natin, mabilis lang ang pag-restore nila.”

Napatango siya. “Oo nga no. Ay! Mauna na ako sayo, Lucas ha. Puntahan ko muna mga kaklase ko.”

“Sige.”

Nang umalis na si Eunice, naalala ko ang napag-usapan namin ni Lucius.

//

Kagabi…

"Lucius, magusap nga tayo," sabi ko nang dumating siya sa dorm.

"Tsk. Ano na naman ang pagu-usapan natin?" Inis niyang tanong.

"Wag ka na ngang magtampo-tampohan kay Altair."

"Oh?"

"Nang dahil sayo hindi siya nakakatulog ng maayos. Nang dahil sayo tumatamlay siya dahil sa kakaisip kung paano makikipagbati sayo. Tigil-tigilan mo yang kaartehan mo."

"Kaartehan?"

"Wag ka nang magmaang-maangan, Lucius. Kilala kita. Kambal kita at halata naman na nag-eenarte ka lang."

Hindi siya nakasagot. Tiningnan niya lang ako.

"Kaya kung lumapit sayo si Altair at humingi ng sorry, patawarin mo. Maliwanag?"

Hindi niya ako pinakinggan. Lumabas lang siya ulit ng dorm.

At kaninang umaga...

"Lucius, sumama ka sakin," utos ko sa kanya ng aalis na kami sa dorm dahil oras na para umalis at ita-transfer kami.

"Bakit?"

"Kausapin mo si Altair"

Natigilan siya. "Ayoko"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Aish. Oh sige na. Oo na!" Napipilitan niyang sabi.

Kaya ganun na ang nangyari. Ayoko kasing nakikita si Altair na tatamlay-tamlay. Hindi ako sanay na ganun siya.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon