Chapter 28

16K 495 94
                                    


Zoe's POV

Pahikab hikab akong naglalakad papunta sa court ng Red Team. Ako palang ang rookies na dumating at puro seniors ang kasama ko na nagpra-practice. Seryosong seryoso silang naglalaro at hindi mo makikitaan na biro-biro ang laro nila.

"Time!" sigaw ni Ate Abby.

Tumigil sila sa paglalaro at pagod na umupo sa bench. Nilapitan ko sila at binati ng 'goodmorning'.

"Ang aga mo ngayon Zoe." sabi ni Ate Juls na nagpupunas ng pawis.

"Syempre may training eh." pagkasabi ko non nagkatinginan silang lahat. Napakunot ang noo ko tuloy.

"Walang training ngayon Zoe."

"Po?"

"Hay nako, halatang hindi nakikinig. Nagsabi kami kahapon na walang training dahil kailangan naming magpratice dahil ilang araw na lang Winter Cup na." sabi ni Ate Krystal. Napakamot ako ng ulo. Bakit hindi ko narinig na sinabi nila 'yon?

"Puro ka kasi Japan eh kaya hindi mo alam kung ano nangyayari." sabi ni Ate Shiela na ikinamula ng mukha ko.

"Mukhang nagkakadevelopan na kayo Zoe ah." lumapit sakin si Ate Juls at inakbayan ako. "Pansin ko na natutunaw mo na ang yelo ng Japan na 'yon dahil nakakausap mo na sya."

Napangiti ako. Totoo 'yon, nakakausap ko na ng unti-onti si Japan kahit minsan ay nagsususngit pa rin sya, at least minsan din ay sya mismo nagbubukas ng convo naming dalawa. At kapag kaming dalawa lang ang magkasama, nagagawa ko ulit syang halikan na minsan tumatakas sya pero sa oras na mahalikan ko sya ay tumutugon din naman sya.

Ang saya lang dahil yung mga effort ko ay may pinagtutunguhan na hindi katulad dati na kahit anong pang-akit ay hindi tumatalab sa kanya. Siguro napag-isip isipan nya na wala syang pag-asa kay Louise. Sana.

"Iba na talaga kapag inlove." sabi ni Ate Juls. Hindi naman ako umimik don.

"Tutal nandito ka na din naman, bakit hindi ka sumali samin?" sabi ni Ate Abby.

"Ah! ayoko po!" mabilis na tanggi ko.

Wala akong laban sa kanila tsaka rest day ngayon, pagkakataon ko na 'tong magpahinga ng matagal.

"At bakit naman? Hindi ba dapat ikaw ang magtraining ng husto dito dahil hindi ka nakakatagal sa laro?" nakataas kilay na sabi ni Ate Gail. Napakamot ako ng ulo.

"True, lagi na lang nahihimatay." dagdag ni Ate Zeke.

"Dapat iimprove mo ang stamina mo, Zoe. Hindi ka nakakatagal sa laro kapag sobrang intense eh." sabi ni Ate Ella.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Alam ko ang kahinaan ko pero palihim rin naman akong nagtra-training para mag-improve ang stamina ko.

"Hayaan nyo muna kung ayaw, pasulitin na natin sa kanila ang rest day. Babawi naman tayo sa training eh." sabi ni Ate Juls.

"Hala sya oh! grabe naman kayo!" singhal ko.

Napangisi at natawa lang sila sakin. Grabe naman ang mga ito, pahirap talaga. Halatang samin bumabawi nung nagtraining sila dito.

Bumalik na lamang ako sa dorm para magpahinga. Kasabay ko lang bumalik ang mga blue team na galing sa jogging, pati sila walang training, mukhang ako lang talaga ang hindi nakakaalam na walang training ngayon.

"Zoe sabay-sabay na tayong kumain." sabi ni Xenon.

"Sure, nabitin din ako kanina kakamadali." sabi ko.

"Bakit ka naman nagmamadali?" tanong ni Aj. Napakamot ako ng ulo.

"Hindi ko kasi alam na wala palang training kaya ayon." nahihiyang sabi ko. Natawa yung ilan sa kanila.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon