Chapter 40

6.7K 199 8
                                    

ALTAIR

Ilang araw at linggo na ang lumipas sa pananatili namin dito sa Red Army Campus. Hindi naging madali ang pag tra-training namin sa ilalim ni Ma'am Aurora. May linalatigo kasi siya kung sakali man na hindi sumusunod sa instructions niya. Yeah. Totoong nakakatakot na nga ang nagtuturo sa amin ngayon.

Nakausap ko naman ang papa ko dito. Pero dalawang beses lang ata. Kasi hindi siya rito palagi e. Nasa EGA siya para tumulong sa pagaayos ng academy. Pati si Commander Shin.

Nalaman ko rin na hindi lahat ng army ay nananatili sa loob ng campus. May mga nakikipag-sapalaran sa mga normal na tao sa trabaho.

Nalaman ko rin na guma-graduate din ang mga army kapag matapos na ang tatlong taon na pag-aaral/pagtra-training at kapag naka-graduate ka na, pwede ka nang bumalik sa pamumuhay kasama ang mga normal na tao. Pwede ring manatili ka rito. Depende sa pipiliin mo. Excited na akong grumaduate. Kaso mahigit isang taon pa ang gugugulin ko sa kakatraining para maka-graduate.

Kasalukuyan kaming nagta-training dito sa training field. Yung klaseng training namin ngayon ay pinagpares-pares ni ma'am kaming lahat at kakalabin ang isa't isa. At ang kapares ko ngayon ay si Ryoran.

Naging super close ko na sila Agatha at Ryoran. Palagi kasi sila ang nakakasama ko rito. Naging kaibigan na rin namin ang iba pang kaklase namin.

Nami-miss ko naman si Eunice. Siguradong malakas na yun kapag nagkita kami ulit.

"Ratatatatata." Sunod-sunod na tira ang pinakawalan ni Ryoran tungo sakin na tila umuulan na ng apoy sa ginagawa niya.

Naiilagan ko naman kaso may ilang tira nga lang niya ang hindi ko na maiwasan kaya marami na akong daplis sa katawan. Nang mapagod siya sa kakasugod sakin dahil puro ilag ang ginagawa ko, ako naman ang susugod. Itinutok ko ang dalawang daliri ko sa noo ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Ipinukos ko ang lakas ko sa aking daliri. Kasabay sa pagmulat ng mga mata ko ang pag-alis ko ng aking mga daliri sa noo ko at itinutok ko iyon kay Ryoran na naghihintay sa kung ano ang mangyayari.

Mula sa aking mga daliri ay lumabas ang maliit na amount ng apoy at dumiretso ito kay Ryoran. Sa right timing, nasapol siya sa noo niya kaya natumba siya at halos gumulong pa.

"Ay sorry!" Nasabi ko. Nagtawanan naman ang iba naming classmates na nakakita.

Bumangon si Ryoran habang hinihimas-himas ang noo niya na natamaan ko. "Aray ko naman," daing niya.

"Ryoran! Tatlo na mata mo ngayon! Haha," pang-aasar ni Agatha. Nagkaroon kasi ng bakat ang noo niya. Nagtawanan ulit ang mga kaklase namin.

"Akala ko hindi ganun kalakas ang impak. Maliit lang kasi yung apoy," komento pa ni Ryoran habang hinihimas ang noo niya.

"Magaling," biglang sabi ni ma'am kaya bigla kaming tumahimik. “Nagustohan ko ang ginawa mo, Miss Chancelor. Maliit na apoy ngunit may lakas. Ngunit suggest ko na i-practice mo pa hanggang sa kaya mo nang i-direct ang paggaganun nang hindi na inilalagay muna sa noo ang mga daliri para makapag-focus. Nakaka-consume kasi iyon ng time.”

Tumango ako. “Yes, ma’am.”

“Nakita ko rin ang performance ng iba. Napapahanga na ako sa karamahinan sa inyo. Mabibilis kayong matuto at ang ilan pa ay nakakakitaan ko na ng pagkakaroon ng mga sariling tricks.”

Napangiti kaming lahat.

"Hmm. Mukhang handa na kayo para pumili ng inyong sandata," pagpapatuloy ni ma'am.

"Huh? Sandata?" Parang nag-ningning pa ang mga mata ni Ryoran ng marinig ang salitang 'sandata'.

"Oo. Napag-isipan ko na maaari na kayong makapili ng sandata."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon