[33] At The Soccer Grounds

888K 21.8K 3K
                                    

Chapter 33: At The Soccer Grounds

 

GAIL’S POV

Ang saya ng bonding namin ni Nathan kahapon sa mall. Nag-arcade kami for 2 hours then kumain kami sa fastfood chain. Libre niya na naman. Kaso nabitin kami kasi nakita ako ng mga BG’s namin ni Kaye Anne, hinahagilap na pala ako.

Tumakas lang naman kasi kami kahapon, remember? Nakakatuwa talaga si Nathan kasi dapat yung motor niya yung sasakyan namin papunta sa mall kaso naka-skirt daw ako kaya magcommute nalang daw kami. Kaya ang ginawa niya hinatid niya muna yung motorbike niya sa bahay tapos binalikan ako sa school. Nag-jeep kami ng bonggang bongga. Ang galing!

Anyways, nandito na kami ngayon ni Kaye Anne sa campus ng E.H.U

“Hey Gail, yung promise mo ah? Kung hindi,s usumbong talaga kita sa mom mo,” pambubyo sa akin ni Kaye Anne. Naglalakad kami sa hallway ngayon.

Nagpromise kasi ako sa kanya na bibilhan ko siya ng magnum for 1 week kapalit ng hindi niya pagsusumbong sa mom ko na nagditch classes ako kahapon. Ang babaw niya. Pagkain lang ang magpapatahimik sa kanya.>.>

“Oo na po.. A promise is a promise, Kaye Anne..”

“Kung bakit mo pa kasi inaway si Kurt kahapon. Tsk. Yan tuloy.”

“Pinag-usapan na natin yan, Kaye Anne diba?” Sabi ko habang inaayos ko yung mga gamit ko sa loob ng bag ko habang naglalakad. Nasabi ko na kasi sa kanya yung tungkol sa nangyari kahapon sa amin ni Kurt. Tsk, kampihan daw ba si Kurt?

“Ehehehe.. di ako maka-get over eh.. Gail, see you later, may klase pa ako..” Tapos iniwan niya na ako. Talagang babaeng yun. Hindi man lang ako hinintay.

 

“Diba siya yung nakipag-away sa leader ng X10?

“Hindi niya ba kilala si Kurt? Ang kapal eh.”

“Sinabihan pa niyang cheap. Eh siya nga itong cheap.”

“Bali-balita nga na sineseduce niya ang X10 eh. Kabata-bata pa.”

Naiinis ako, alam niyo yun? Yung feeling ng pinag-chichismisan ka tapos rinig na rinig mo?! Wala kang magagawa kung hindi magpatay malisya na hindi mo kilala yung pinag-uusapan nila kasi para makaiwas sa gulo. Lahat naman ng sinasabi nila hindi totoo.

Nasira na tuloy ang araw ko >_<

***

Nasa classroom na ako. First subject for the day. Tsk. Kakapasok lang ng Prof nagpalabas na agad ng paper for a pop quiz. Buti nalang nagets ko yung nadiscuss niya kahapon.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagququiz ng biglang bumukas ang pinto.

BAM!

For the 2nd time, Kurt and his company are late again.

“Late again..” sabi ng professor at naglakad palapit kina Kurt, Jake and Brent.

“Does it matter?” Kurt asked arrogantly. Ang yabang talaga! Walang sinasanto. Akala mo kung sino.

Our prof sighed in frustration. “Sige na umupo na kayo. We’re in the middle of their pop-quiz.”

“Tss..”

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon