Chapter 61-Phase Two

2.2K 53 7
                                    

Kenshin's Point of View

"Kenshin, b-back up-an namin kayo ng gang. Just continue moving at kami na ang bahala sa sinumang hahara sa inyo, ang mahalaga ay mailigtas natin sina Kiyukki at pati na rin ang girlfriend ko." Sabi sa akin ni Kysler, thanks to them at mas lumamang kami sa kalaban.

"Don't forget about my sister okay?" Sabi naman sa akin ni Elliot na may bitbit pang samurai. I saluted at them, at sabay naman kaming pumasok sa loob ni Lance. I am holding daggers, habang si Lance naman ay may hawak na pistol na may silencer.

"Brad, may kalaban sa east tatlo, sa north apat. I'll handle the northern side. Ikaw na ang bahala sa tatlo. Kill them without making noise. Mas magiging lamang tayo kapag hindi pa alam ng kalaban na nandito na tayo sa loob." Sabi sa akin ni Lance habang nakatago kami madilim na parte ng biulding. Katulad ng sinabi niya ay humarap ako sa east at inilabas ang tatlong dagger. May mga hawak din silang pistol katulad ni Lance, at nang matyempohan ko ang pagtalikod ng isa ay saka ko inihagis sa kanya ang dagger ko na tumama naman sa ulo nito saka ito natumba. Bago pa mapalingon ang mga kasama niya ay ihinagis ko naman ng magkasabay ang dalawa pang dagger na hawak at ganun din ang kanilang kinahantungan. 

"Done." I said bago ko nilingon si Lance na mukhang tapos na rin.  "Let's move ahead." I said and he nodded. I was about to leave the place kung saan kami nagtatago nang biglang mag salita si Daeyan gamit ang earpiece namin na s'yang ginagamit naming komunikasyon. Isa ito sa mga imbensiyon ni Mama.

(Lance, Kenshin, where are you?) Bahagya naman kaming nagkatinginan ni Lance bago sumagot.

"We're at the east side of the building. Bakit?" Lance whispered.

(May nakapag sabi sa akin na nasa west wing daw sina Tracy at Elli. I am at the northern side, since kayo ang pinakamalapit ay kayo na muna ang bahala sa kanila. Sa ngayon ay papasok na ang division 1 at nakapwesto na rin sila. They're at the fourth room in the right.)

I'm a bit confused kung susunod ba kami sa kanya o hindi. He's acting strange this past few days. My intuition is telling me not to follow him.

"Copy that." Sagot naman ni Lance sa kanya. 

"Brad, siguro ka ba na susundin natin ang sinabi n'ya?" Nag aalangan kong tanong sa kanya.

"Yes, he's our comrade after all. We'll find out if he was really our comrade if we go there, okay? Just don't lower down your defense." I just sighed bago namin binaybay ng tahimik ang daan pa west wing at kung may makakasalubong man kaming kalaban ay agad namin silang pinapatahimik.

Ilang minuto lang ang nakakalipas at narating namin ang west wing. Nakakapagtaka lang dahil kung ito ang lugar kung saan nila ikinulong sina Tracy ay dapat maraming nakabantay dito. Ngunit bakit ni-isang bantay, wala?

"Lance, I think it's a trap-" Napatigil ako sa aking sinasabi ng makita kong nakahandusay na si Lance at walang malay. Lalapitan ko na sana ito nang may tumamang malamig na bagay sa batok ko at unti-unti akong nakaramdam ng hilo at nagdidilim na rin ang aking paningin. Ngunit bago man ako tuluyang mawalan ng malay ay nakakita ako ng isang taong nakaitim na maskara-

Third Person's Point of View

"Humihina na po ang ating depense Lady Mitsuko. Natalo na po ang mga bantay natin sa east and south. Ireport na po natin ito kay King."

"Go on and report it. Tell him that I already lure them all maliban nalang sa kanilang pinaka leader. Poor dragons." The lady in black mask said habang hinahaplos pa ang pisngi ni Kenshin na walang malay.

"Roger that, Lady Mitsuko. King will arrive at 10 o'clock." Then the man bowed at her. Lumapit naman ang isa pang lalaki na kanina pa nagtatago sa dilim kay Mitsuko.

"What's your next plan?"

"Hmm? Let's proceed with the final wave, Flex and D.S." sagot niya sa dalawang lalaking natitirang gising sa silid bago tagtagin ang itim na maskara at ngumisi.

"The final wave is about to start when the King arrives. Get ready my pawns and knight, because the queen will beat the king." 

The Mafia Princess (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon