Untitled Part 23

1.4K 58 3
                                        


WHEW!" Usal ni Cade pagsakay nila sa kotse nito. "Pinawisan ako dun."

"Sa itlog?" Pang-aasar ni Geraldine. "Affected ka sa itlog? Aminin mo! Gusto mo nun!"

"Kung reregaluhan mo 'ko, eh."

"Yuckkkk!"

"Maka-yukkkk! 'kala mo walang magic panties." Humagalpak ito. Sabay, "Too bad, walang extra remote."

'yun lang. Tameme si Geraldine. Pagkatapos ay dinuro uli niya si Cade, "Kung anu-ano iniisip mo, may mas malaki tayong problema."

"Sino ba nanguna?" Sagot nito. "Ikaw ang nagdala ng usapan sa itlog."

"Bakit ayaw aminin ni Vera na nasa kanya si Prudence? At nasaan si Prudence? Wala dun sa bahay. And you have to admit, tama na nangpanggap ako after all. She's hiding Prudence, kung tinanong natin agad, malamang itaboy tayo."

He nodded,"Hindi ko alam ang sagot sa bakit. Kaya nga ako pinawisan." Sabi ni Cade. "All we know so far is, she;'s selling sex toys on the sly. Kaya siguro s'ya naka-disguise kanina. Kinuha n'ya 'yang mga sex toys or diniliver n'ya sa ibang clients at ayaw n'yang makilala s'ya. Malaking eskandalo nga naman 'yon."

Sang-ayon doon si Geraldine. Nang malaman niya kung anu-ano ang mga produktong nasa silid, bigla ay hindi na niya suspect si Miss Vera. May image lang mine-maintain sa school ang babae kaya iba ang personality doon. Hindi iyon malaking kasalanan para sa kanya.

Pero nang itanggi ni Miss Vera na alam nito kung nasaan si Prudence, suspect na ulit niya ang guidance counselor.

"Kailangan pa s'yang imbestigahan." Saad niya.

"I agree." Tango ni Cade. "Paano? Ano'ng gagawin natin?"

"Natin? Excuse me."

"Look, if she's killing bad parents, I'm in danger too."

"Bad parent ka?"

"Yeah. I have my...moments."

At least, umaamin, sa loob-loob ni Geraldine, "Pero teka muna, paano mo nalaman na bad parents ang target n'ya?"

""yung Bible verse. Sabi ni Angela--" ikinuwento nito ang nalaman nung sinamahan ang anak na dalawin si Janus.

"Really? Nakatanggap ng message na Bible verse si Janus days before his family was massacred?"

"Yun ang sinabi ko, di ba? Kaya gusto kong makausap si Prudence. Tatanungin ko kung may natanggap rin s'ya na ganung message."

Tatango-tango si Geraldine, "Ang nadiskubre ko naman, just days rin bago namatay si Miss Igarte at 'yung family ni Janus, na-involve 'yung dalawa sa bullying incidents. Magkasunod sila at pareho silang pinatawag ni Vera sa guidance office." Nasa listahan iyon na ibinigay ni Missy sa kanya sa library.

"That's a hell of a coincidence." Sang-ayon rin ni Cade. "But without Prudence, we can't get the police to act on our speculation."

"Baka kaya itinatago ni Vera si Prudence. Baka na-alarma s'ya nung kinausap ko s'ya tungkol kay Ptrudence at dun sa batang nag-suicide."

"We need to find Prudence."

Tango si Geraldine. Binuksan niya ang hot pink box na kandong-kandong. Bago sila umalis kina Vera kanina, binilinan sila siempre na sikreto ang business nito. At pinabaunan sila ng business card, kung may gusto pa daw silang orderin. Nasa card ang mga contact numbers at website at email address.

Kinuha ni Geraldine ang card sa kahon, "Oorder ka ng itlog." Sabi niya kay Cade.

"Huh?"

"'kamo, mag-iimbestiga tayo, di ba? 'Yun lang ang way para makalapit ulit tayo sa kanya." Ibinigay niya kay Cade ang business card.

Kinuha nito ang card, "Ilan dosena?"

"Isang tray." Ha!Ha!

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now