Magic 29

6.4K 122 0
                                    


XXX



Choosen

Raven's Pov

'Raven pasensya ka na kung natagalan ako hah ! Naroon kasi si Prince Night e alam mo na tinitigan ko muna sya kahit saglit haha!' Sabi ni Kaera na kakadating lang dito sa aming hintayan .

Ngumiti ako rito . Mukhang okay na naman sya ngyon . Nakakangiti ulit sya ng tulad ng dati.

'Okay lang Kaera ' sagot ko .

'Grabe Raven favorite ko na ang subject ko kanina . As in sobrang lapit sakin ni Prince Night !' Ani nito na kinikilig pa .

'Wala na tayong klase diba ?' Tanong ko .

Nakita kong tumango tango ito . At bigla akong inakbayan .

'Ikaw naman magkwento anong ginawa nyo ni Zack dito ? ' nagulat naman ako sa mga salitang lumabas sa bibig nya .

Pano nya na laman ?

'Pano mo na laman Kaera ' tanong ko .

Nakasalubong ko sya. Then hula ko lang na dito sya galing at mukhang tama ako ! So anong nangyari Raven ? Sabihin mo sakin dali!!!'pangkukulit nito sa akin .

Hay! Nahuli ako ni kaera . Anong sasabihin ko ? E wala naman nangyari sakin o samin e .

'Wala akong ikwekwento Kaera, dahil wala naman nangyari inasar nya lang ako ' sagot ko . Kaso bigla nitong inalis ang braso nya sa batok ko .

'Tch! Yun lang talaga ? Boring naman kala ko pa naman kaya sya umalis kasi nagseselos sya o naiinis, kasi nakabusangot ang mukha nya nung makasalubong ko sya e ' ani nito .

Nagseselos ? Hindi.....baka nainis lang yun. Ewan ko nga dun kung bakit nagkaganun yun e .

'Iniisip mo lang yun Kaera tara na sa Arena ang dinig ko may sasabihin ang head master ng school sa atin dahil malapit na ang kaarawan ng mahal na hari ' anyaya ko sa kanya .

Inilihis ko na rin ang usapan dahil ayoko ng balikan o isipin ang mga nangyari kanina . Pagnaalala ko yun nagiinit ang pisngi ko.

'Ay oonga pala, tara naRaven ' anas nito . At sabay kaming pumaroon sa Arena .

Buti na lang naiba ko usapan . Kilala ko kasi si Kaera makulit sya at pipilitin nya kong magkwento .

Pagdating namin sa Arena marami raming tao na roon. Ngunit mukhang wala pa ang Head master.

'Kaera, Raven ' sabay kaming napalingon ni Kaera nung biglang may pamilyar na boses na tumawag samin.

Palingon namin ay nakita namin si Ryzell na papalapit sa dereksyon namin.

'Hi insan kamusta ka na ?' Tanong ni Kaera .

Bago sumagot ay ngumiti muna ito sakin. Palagi naman nakangiti itong si Ryzell e . Hindi ko ata sya nakikitang nakabusangot .


Di tulad sa isang lalaki nakikita ko sa kaliwang bahagi ng Arena na pinalilibutan ng mga babae.

Mukha itong binaksakan ng langit at lupa . At hindi alintana ang mga tingin sa kanya ng mga babae .

'R-Raven !' Bigla akong napatingin kay Ryzell ng tawagin nya ko .

'Huh? Bakit ?' Tanong ko .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon