Ikaw Lang

398 2 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi.
Marahil ito ay dahil sa wala ka ngayon sa aking tabi.
Hindi ko mapigilan ang mapa-ngiwi sa aking napagtanto.
Na hindi ko magagawang pagbigyan ang kagustuhan ng aking puso.

Kagustuhan na makasama ka dito.
Kagustuhan na masilayan ang ngiti mo.
Kagustuhan na mahawakan ang iyong mga kamay.
Kagustuhan na marinig ang iyong boses na malumanay.

Oo, sabik na sabik na kong makasama ka muli.
Para bang gusto ko manatili ka na lamang dito sa aking tabi.
Gusto kitang makita sa lahat ng oras, mahal ko.
Oo, iyan ang sinasabi ng aking puso.

Ikaw lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito.
Isang malalim na pagnanasang makuha ang gusto ko.
Tama, ganyan ka-lalim ang pagmamahal ko para sayo.
Sa sobrang lalim, nababaliw na ako.

Isang uri ng pagka-baliw na ayaw kong mawala.
Dahil dito lamang din ako nakakaramdam ng saya.
Ikaw lamang ang laman ng aking isipan sa bawat araw na dumadaan.
Mga araw na napupuno ng pangungulila't kalungkutan.

Ilang araw na ang dumaan mula noong huli kitang nasilayan.
At sa mga araw na ito, labis na pangungulila lamang ang aking naramdaman.
Pangungulila, pag-aalala, subalit nabuo rin ang pagkasabik.
Pagkasabik na ika'y makasama't reregaluhan mo din ako ng isang matamis na halik.

Wala akong kaalam-alam tungkol sa iyong tunay na kalagayan.
Ni hindi ako sigurado kung inaalagaan mo ba nang maayos ang iyong kalusugan.
Oo! Tama ang mga nababasa mo!
Ganyan ka-lalim at ka-tibay ang pagmamahal na nadarama ko.

Ikaw lang ang bukod tanging inaalala ko sa mundong ito.
Di bale nang malimutan ko na din ang sarili ko.
Handa akong isuko at isugal ang lahat para lamang sayo.
Ikaw lang ang kaisa-isang tao na mamamahalin ko nang ganito.

Oo! Ikaw lang! Ikaw lang at wala nang iba pa!
Ikaw lang ang nais kong makasama hanggang sa pagtanda!
Oo! Handa akong ipaglaban ka sa giyera na walang katapusan.
Mapatunayan ko lamang sayo na ikaw lang ang may hawak sa pag-ibig ko na walang hanggan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon