Chapter 10 ( The real start)

235K 3.3K 892
                                    

Third Person’s POV ..

“And the King and Queen of the night are .. Angelo Aragon and Venice Marquez ..” all hands sa pagpalakpak ang mga Estudyante ng pumunta sa stage ang real life couple na sila Elo at Venice.

“Welcome to the Annual Acquaintancve party of Zeal Academy .. Zealians .. The Floor is now ready ..”

Rukia Kiuchi, one of the Youngest and most respected  Teacher in Zeal Academy take charge as the party started ..

“Sir Ruki .. everything is A ok .. have fun ..” sabi sa kanya ng isa sa mga co-teachers nya.

Pag alis ng kasama nya ay mataman nyang sinipat ang mga kumpol ng Estudyante na nagkakasiyahan, napapaangiti sya ng makita sila Venice at Elo na ginawaran ng King and Queen of the Night ..  masayang nagsasayaw sa gitna ng stage.

Nasa iisang lamesa naman nagsama sama ang mga Aragon Kids, o mas kilala sa tawag na Rich Kids, kahit na itago nila ang kasikatan ng Pamilya nila hindi pa rin maiiaalis sa mata ng ibang estudyante na ang mga Aragon ang isa sa pinakamayan at pinaka makapangyarihan na pamilya sa school nila.

Unang hinanap ng gwapong guro ang Freshmen college student na si Yesha .. her future .. mahal nya ito pero hindi pwede .. bukod sa bata pa eh kilala din sya bilang isang Aragon kahit na walang Aragon na dugo ang nanalaytay sa katawan nya ..

Mas minabuti nyang itago na lang ang nararamdaman nya dahil ayaw nyang gawing komplikado ang lahat .. at isa pa masyadong malaki ang utang na loob nya sa Aragon for accepting her mother despite that it is called the blackship of the Family.

Nang hindi nya makita ang batang si Yesha ay bumaba sya sa stage,  just the time the Aragon kids began to sing. Pinangungunahan ni Clinton ang pagkanta .. sa likod nya ay sila Storm, Clifford, Thunder, Iko at Elo ..

Napangiti sya.. he almost forgot na ngayon ng apala magtatapat ng pag ibig si Clinton .. ang binatang patay na patay sa kababta nyang si VENUS .. SI Venus na pilit itinatanggi na mahal nya rin si Clinton ..

Ang kutis mong kay lambing, maginhawa sa piling 
Ang 'yong ganda, ang lakas ng dating 
Hindi ko mapigilang maakit sa'yo 
Pag nakikita ko ang buhaghag na buhok mo 

Isang malamyos na tinig ang unang pinakawalan ni Clinton .. buong pagmamahal nyang pinagmasdan ang kababatang mahal na mahal nya .. sa isip nya sana ay mapasagot na nya ang dalaga sa gabing ito.


Langhap ko ang simoy ng 'yong pabango 
Pag kumakapit na ito sa mga palad ko 
Hindi makatulog sa gabi 
Pag naiisip na hindi ikaw ang katabi 

 

Habang kumakanta ay animo mga langgam na nagsihawian ang mga ibang estudyante para bigyan daan si Clinton na pababa na galing sa stage ..

Pero kumapit ka mahal ko 
At wag na wag kang bibitaw 

Nilahad nito ang kamay sa harap ni Venus na tila inaaya syang tumayo .. at dahil nasa panig ni Clinton ang lahat walang nagawa ang nag iinarteng si Venus .. kinikilig na tinanggap nito ang kamay ni Clinton. Pero hindi nila alam ay hindi simpleng paghawak lang ang ginawa ni Clinton, niyakap nya ang dalaga hanggang sa konti na lang ang space sa pagitan ng dalawa.


Ang tanging hiling ko sa'yo habaan mo pa sana ang pasensya mo 
Hindi madaling magbago lalo sa nakaraan na mga katulad ko 
Mahal na mahal kita wala nang magbabago sa aking nadarama 
Iyong iyo na ako hinding hindi kita isusuko 

Kinikilig ang lahat ng estudyante ng mag beat ng drums  si Iko at pumailanlang ang Electric guitar nila Thunder at Clifford .. naka back up naman si Storm na anytime ay sasalo sa pagkanta ni Clinton, habang nasa organ naman si Elo .. kung tutuusin pwede na silang makabuo ng sarili nilang banda at kung ako ang tatanungin tatawagin ko silang Aragon Band ..

Sa oras na tayo ay magkasama 
Lahat ng baluktot ay tumutuwid 
Wala akong ibang hinangad 
Kundi malapatan ng ngiti ang iyong mga labi 

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon