Chapter 12

432K 14.3K 2.5K
                                    

#ABNQ12 Chapter 12

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kaka-simula lang ng klase, exams na naman. Parang kahapon, high school lang ako. Ngayon, pa-graduate na ako. Tama nga siguro sila na you should live life by the moment because every moment quickly becomes a memory.

"Jax," I called my brother's name. Sabay kaming nag-aaral sa salas dahil pareho kaming hindi makapag-aral sa kwarto. Para kasing tinatawag ka nung kama mo? Sobrang bad influence. Na instead na mag-aral ka, matulog ka na lang.

"What?" masungit niyang sagot.

I pouted. Sungit. Kung may choice lang ako, hindi ko naman siya kakausapin. "Ano'ng magandang regalo sa lalaki?"

He immediately halted whatever it was that he was doing, and looked at me. "What?" sagot niya pabalik.

"Malapit na birthday ni Psalm, e," I replied. Kilala niya naman si Psalm since tambay iyong mga kaibigan ko dito sa bahay. Though, hindi lang sila close kasi nga iba trip sa buhay nitong si Jax. Medyo kinakabahan nga ako para sa kanya. Alam mo 'yung sobrang nega niya na sa buhay, tapos balak pa niyang maging attorney? Mawawalan na talaga 'to ng tiwala sa humanity!

"Kayo ba?"

Nanlaki mata ko. "Hindi, ah!" Grabe, bakit ba ang bilis magconclude ng mga tao?! Hindi na ba talaga possible na maging friends lang? Lagi ba talagang may malisya na kasama?!

"Defensive," he said, eyeing me.

"Di ako defensive, assuming ka talaga talaga," mabilis kong sagot sa kanya. "So... ano ngang magandang regalo?" I asked again. Kung may ibang choice lang talaga ako, hindi ko talaga tatanungin si Jax dahil alam ko na hindi pa siya nakaka-ganti sa akin sa panlalaglag na ginawa ko sa kanya kina Mama. But what could I do? We're siblings... and it's a sibling's duty to embarrass the other one.

"Bakit 'di ikaw mag-isip? Ikaw laging kasama," walang kwenta niyang sagot bago bumalik sa binabasa niya. Muntik na akong ma-tempt na hampasin siya nung Criminal Law book na binabasa niya, but I decided against it.

Huminto muna ako sa pag-aaral dahil feeling ko wala na akong naiintindihan. Nahiga ako sa couch habang hawak iyong phone ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang ireregalo ko kay Psalm, and ang lapit na talaga ng birthday niya! Lagi kasing may party kapag birthday niya, him being the most sociable of the GDL brothers... as if may competition.

As I scrolled, puro share lang naman ng mga posts sa NBA ang nakikita ko sa wall niya, nothing new... So, baka basketball stuff na lang talaga ang bilhin ko sa kanya.

"San ka pupunta?" Jax asked nung pababa na ako. Umakyat muna kasi ako para magbihis.

"Mall," I quickly answered.

"Exams mo. Mag-aral ka."

I rolled my eyes. "Mamayang gabi!"

Umiling siya. "Mall can wait. Dito ka lang."

"Kanina pa ko nag-aaral! Sandali lang ako sa mall, promise!" I said. Hindi ko na talaga kayang mag-aral kasi feeling ko information overload na iyong nasa utak ko! Besides, may bukas pa naman bago magstart iyong exams. At saka never naman ako bumagsak! Wala man lang tiwala 'to sa 'kin!

"Bahala ka," he said, scoffing.

I grinned. "Thanks, Jax! You're the best!" sabi ko habang patakbo palabas. Nagpa-drive ako kay Manong para kahit konti e matahimik ang kaluluwa nung kapatid ko na uuwi naman ako agad. I just needed to breathe a little dahil feeling ko nasu-suffocate na ako sa mga inaaral ko.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon