36- Not Your Typical Bitch

31.5K 997 344
                                    


Sydney's POV

"Asan na kaya si bakla? Ang tagal naman eh" kanina pako nagiintay dito sa corridor malapit sa soccer field. Iniintay ko ang gagang bakla na rumarampa na naman ata ngayon.

Naglakad ako papunta sa quadrangle para hanapin sana si beks kaso may nakabungguan pako na sa sobrang lakas ng impact eh napaupo pako sa sahig. Eksena ko kahiya ⊙_⊙

"Oww sorry miss ayos ka lang?" napatingala naman ako sa malaboses anghel ng isang malaanghel na mukha ng isang lalake. Anuraw!??

"Para kang anghel" wala sa sariling sabi ko na ikinatawa naman nya. Hala. Ang ngiti nya! My feelsxzzz

"Haha. Anghel? Ayos ka lang? Luke nga pala and you are???" napatingin naman ako sa kamay nya na nakalahad sa harap ko. Pwede ko kaya to kagatin?

Aish! Sydney gising! Kelan kapa lumdi ng ganyan ha!?? Facepalm -_-||

"Sydney. Ah oo ayos lang ayos lang" halata kayang kinakabahan ako?

" Nice to meet you Sydney. And sorry nga pala. Ingat ka sa susunod ha. Sige mauna na ako" wala nakong nagawa kundi tumango at sundan sya ng tingin. Hala! Kaya pala parang pamilyar sya! Sya rin yung nakita ko nung isang araw!

"Hoy!" nagulat naman ako ng may biglang sumigaw at umakbay sakin. Asus. Si bakla lang pala!

"San kaba galing? Bat ang tagal mo?" tanong ko sa kanya

"Gaga! Kumain ako hano! Nakakagutom kaya! Btw, kamusta na si Kismeth!? Dun ako matutulog later ha! Kaso wag mo nalang sabihin dun sa papabol na masungit na kaibigan ni King! Naloka ang beauty ko sa kanya kahapon ah! Abay pagkamalan ba namang pagsasamantalahan ko kayong dalawa ni Kismeth! Naku! Baka sya pa pagsamantalahan ko!" dirediretsong sabi ni bakla. Napaka kuda jusmeee

"Ayun gustong pumasok kahapon palang! Buti nga nagpapigil eh! Eh kayo ba musta mga laro kahapon?" balik tanong ko naman sa kanya. Naglalakad kami ngayon papunta sa office at kanina pa kami pinagtitinginan. Sakin masasama ang tingin mga babaeng schoolmate namin pati narin mga outsider. Samantalang may pa beautiful eyes pa ang tingin kay bakla! Nako!

" Ayos naman. Wala namang gulong ka kyemerut. Pero di naglaro si King. Wala nga sya kahapon maghapon eh" speaking of King, diko alam kung anong oras sya umuwi nung gabi. Nakatulog kasi agad ako

"Ah. Ano ba ganap ngayon? Mag i 11 na ah?" tanong ko sa kanya.

Nakapasok na kami sa office at pinasa kona yung papers na hinihingi ni dean. Jusko buti nalang masipag ako haha

"Wala namang kiber. Motor at car racing lang. Naku panigurado yung walo ang nakikipag karerahan" napatango naman ako. Kumain na kaya si Kismeth? Matawagan nga mamaya

"Beks babalik rin ako agad sa hospital ngayon. Walang kasama si Kismeth eh" paalam ko kay bakla ng makalabas na kami ng office.

"Mamaya na. Sabay na tayo. 30 minutes nalang magi start na yung motor racing. Intayin na natin matapos tas sabay na tayo pumunta kay kismeth" pwede rin kaso walang kasama yung isa dun. Pero sige na nga. Para makapag pahinga sya ng maayos. Saglit lang naman eh

Naglakad na kami papunta sa pagdarausan ng motor race. Wow naman. Yamanin talaga ang M.A at may pa race track pa.

"Syd bongga yun oh! Mukhang yummy!" napatawa naman ako ng mahina kay bakla. Ang landi eh! Sa kanya ko natututo haha

"Asaan ba?" tanong ko pagkaupo namin sa pwesto malapit sa starting line. Sinundan ko naman ng tingin yung tinuturo nya hanggang tumigil ang mata ko sa isang lalakeng nakasuot ng leather jacket at tshirt na blue. Teka. Si Luke yun ah!? Racer sya! Ihhhhh (^ω^)

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon