Chapter 24

115K 2.2K 491
                                    

                                                    •••••

Umiiksi na ang pasensiya ni Lance. Nangangalay na ang mga daliri niya sa paulit na pagdada-dial pero wala pa ring sumasagot sa mga tawag niya. Iritableng itinapon niya ang cellphone sa kama at saka uminom ng malamig na tubig. Dapat ay nagbabasa siya at nagseseryoso sa pagrereview pero hindi siya makapagconcentrate. Muli siyang umupo sa study table and grabbed a book. Pinilit niyang magbasa pero dumadaan lang ang mga letra sa kanyang mga mata and nothing sticks to his mind. He's out of focus so again he closed the book. He massaged the middle of his brows then again picked up his phone.

He knows he's troubled and he wants to talk to someone but nobody takes his call. Hindi niya alam kung saan siya mas naiirita; sa hindi pagsagot ni Scarlet sa mga tawag niya o dahil hanggang ngayo'y nakapatay pa rin ang cellphone ni Atty. De Silva. Gusto niyang isiping it's all because of her girlfriend at umiinit lang ang ulo niya dahil namimiss niya na ito. Hindi siya sanay na miminsan lang ito makita although he should understand na abala ito sa pag-aaral. He was in this situation too during his graduating year kaya dapat naiintindihan niya rin si Scarlet. Ikinalma niya ang sarili habang pilit pinapaniwalang ang sanhi ng nararamdaman ay ang pananabik sa kasintahan.

But why is it that he feels like he's lying to himself? Sapilitang isinasaksak niya sa utak si Scarlet samantalang si Atty. De Silva ay kusang sinasakop ang kanyang isipan. He'd been restless since yesterday. Hindi niya alam ang rason basta nagulat na lang siya nang biglang nagsabi ang abogada na mawawala ito ng tatlong araw. Pagkatapos ng hearing nung Martes, tinanong siya nito tungkol sa schedule. After confirming she has no hearing for the rest of the week, she suddenly told him to reschedule the rest of her appointments. She said she's going out of town for an undisclosed reason.

She was gone since yesterday. Unang araw pa lang na wala ito ay hinahanap-hanap niya na ang pagsusungit nito, ang pagiging pikon sa mga pang-aasar niya at ang mga sarkastikong hirit nito sa mga empleyado which he always find amusing and funny. Although he has good relationship too with the other staff and lawyers, iba pa rin pag nasa opisina si Atty. De Silva. Kahit magaling itong mampressure ng staff but the office has different energy whenever she's around.

Dumaan ang maghapon niya ngayon na para bang napakabagal ng oras. Her absence made him realized that he's getting addicted conversing with her. His day at the office seemed so quiet. He had no one to discuss with after a night of studying about his opinions on cases he encountered in books, on their clients legal situations and some random social issues. They usually had serious debates whenever their opinions collide pero inaamin niyang marami siyang natutunan sa madalas nilang pagtatalo. Kaya naman ang isiping dadaan pa ang sabado't linggo na hindi niya ito makikita at makakausap ng personal ay nadidismaya na siya.

But what really frenzies him is that she turned off her phone since yesterday. Wala naman itong ibinilin na ayaw nitong magpaistorbo. Tinatawagan niya ito sa tuwing may mga bagay tungkol sa opisina na kailangang ang abogada ang magdesisyon. He kept making excuses to call her pero ang totoo'y gusto niya lang itong kumustahin. And the fact na dalawang araw ng patay ang telepono nito doesn't only make him frantic but worried too. What if hindi naman talaga ito nagpatay ng cellphone because cutting communication with her office during working hours is absolutely out of her character. Paano kung may masamang nangyari pala dito?

Dismayadong ibinato niya ulit ang telepono sa kama at paglapag ay siya namang ring nito. Nagmamadaling dinukwang niya ito in a way na halos mapasubsob siya sa higaan. His heart rushes with excitement nang makitang ang attorney ang tumatawag.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon