"Babe! I'm so excited. First time kong pumunta dun. I've heard na ang ganda ng water dun crystal clear! Ang sarap siguro magswimming dun."
Yes, magbabakasyon kami ni Ice para naman kahit ilang araw lang makalayo kami sa stress pero itong lalaking 'to balisang balisa at hindi nakikinig sa akin. Kanina pa tingin ng tingin sa phone niya.
"Uy babe! Okay ka lang ba?"
"H-ha? Ahh oo. Hindi pa kasi nagtetext si Cassie eh. Kanina pang umaga."
Kung nagtataka kayo kung sino si Cassie, siya si Cassiopeia. Ang bestfriend niya.
"Ahh ganun ba. Siguro tulog pa siya or baka lowbat yung phone o kaya naiwa-"
Biglang nagring yung phone niya. Siguro si Cassiopeia na 'yan.
"Sagutin ko lang ah. Wait lang."
Lumayo siya sa akin pero tanaw ko pa rin siya. Pero dahil makulit ako sinundan ko siya. Nakita kong nagbago yung timpla ng mukha niya. Problema neto?
"A-ano po?! Ayos lang po ba siya?"
*All passengers of flight KBDP2526 you may now proceed to the boarding gates.*
Rinig kong announce nung announcer. Binaba na rin ni Kenneth yung phone niya.
"Baby kailangan kong umalis. Si Cassie daw lasing na lasing umuwi ng bahay!"
"Ano?! Ice naman, kailangan na nating magboard ng plane oh."
"Pero kailangan ako ni Cassie!"
"May mag-aasikaso naman siguro sa kanya dun diba? Tara na babe"
Tapos hinila ko na yung luggages namin. Hinawakan niya yung kamay ko tapos inikot ako paharap sa kanya.
"Baby kailangan talaga ako ni Cassie ngayon eh."
"O sige mamili ka, sasama ka sa akin ngayon o pupuntahan mo si Cassie at hindi mo na ako mahahanap sa Palawan."
"Wag mo akong papiliin! Pareho kayong importante sa akin. Ang akin lang, mas kailangan ako ni Cassie ngayon."
"At ako?! Girlfriend mo ako diba? Tingin mo ba hindi kita kailangan?!"
"Hyalite naman! Don't be so unreasonable! Susunod naman ako sa'yo eh."
Hahakbang na sana siya pero nagsalita ulit ako.
"Ako pa ang unreasonable ngayon ha?! Lasing lang siya! Aayos din naman ang lagay niya eh. Wala bang mag-aalaga sa kanila sa bahay niya? Girlfriend ako bestfriend mo lang siya! Don't you think you're being unfair?! Humakbang ka lang ng isa at magbe-break tayo. Choose. Me? Or Cassiopeia?"
"Hyalite naman." Parang hirap na hirap siya.
*KBDP2526 will leave in 5 minutes please board the plane now.*
"Sige mukhang alam ko na kung sinong pipiliin mo. Una na ako. Goodbye."
Tumalikod na ako sa kanya pero hinarap niya ulit ako.
"Susunod ako sa'yo promise."
Sabi niya bago ako hinalikan sa noo. From there alam kong mas importante pa rin talaga si Cassiopeia. Siyempre mas matagal pinagsamahan nila eh.
Sino nga ba ako? Ako lang naman yung girlfriend niya na kahit kailan di kayang pantayan ang bestfriend niya.
-----
SHORT UPDATE LANG. STARTING PALANG PO TAYO EH. SOON HAHABA NA RIN PO YAN :)
Votes and comments would be much appreciated. Thank you :)

BINABASA MO ANG
Just His Girlfriend
FanfictionHe is my world but he rotates on her axis. - Sapphire Hyalite Finlay #KathNielReads